Dedicated to skyhzylt. Enjoy
Chapter 2
Escort
"'Yun na 'yun? Okay lang sasabihin mo sakin?!" sigaw ko para marinig nya dahil malayo na sya sa akin.
Hindi nya na ako nilingon pa dahil diretso na ang lakad nya. Grabe, first time ko ma-ignore nang ganito ka bongga.
Ngumuso nalang ako at nag-lakad na pauwi. Tinanggap nya naman na ang sorry ko, hindi naman daw sya galit sa akin kaya okay na siguro lahat sa amin.
Parang wala naman talagang pakialam ang lalaking 'yun sa nangyari. Dapat hindi ko narin 'yun iniisip, nakapag-sorry na ako. 'Yun ang mahalaga, ang mapatawad nya ako.
"Hi, Daniela." bati sa akin nang mga nakakakilala sa akin.
Ngumiti ako at kumaway sa kanila.
"Uy, Daniela. Uuwi ka na?" tanong sa akin nang senior ko nang magkasalubong kami.
"Opo," sagot ko.
"Sige, ingat ka." tumango ako sa kanya at kumaway sa isa't isa.
Ngiti lang ako ng ngiti sa mga nakakakilala sa akin na nakakasalubong ko habang tinatahak ang daan palabas ng gate ng school.
Marami akong kilala dito sa school kahit mga ibang grade level at section dahil masyado akong friendly. Kahit hindi ko naman talaga kilala ay nakikipag-chikahan ako, I really loved to make friends.
Normal naman na sa akin 'yun dahil likas sa akin ang pagiging maingay at pala-kaibigan.
Dagdag pa na kilala ang pamilya ko sa school na ito. Dito din kasi nag-graduate ang mga parents ko noong highschool sila. Tapos ngayon sikat na silang may ari nang isang negosyo. Kapag may mga program dito sa school madalas ay iniimbitahan sila mama at papa para maging guest speaker.
Dahil sa anak ako nang dalawang kilalang tao ay mas nakilala ako sa paaralan na 'to. Mas tumaas ang expectation nila sa akin. Matalino ang parents ko, magaling na lider at dahil anak nila ako ay nabibigyan ako nang pressure na maging kagaya din nila.
Maraming na-disappoint sa akin dahil hindi ako naging kasing galing ng mga magulang ko, hindi ako matalino na laging bumibida sa klase. Hindi ako nagiging lider sa kung anong activities dito sa school.
Tingin ng mga guro at ibang estudyante sa akin ay isang maingay, tamad, at isang estudyante na gusto laging mag-excuse sa klase. Well, totoo naman lahat.
Hindi ko talaga namana ang mga hobbies nila mama at papa, ngayon kasi mas focus ako sa kung ano ang gusto ko. Ginagawa ko ang gusto ko at nagpapasaya sa akin, nagiging totoo lang ako sa sarili ko. Wala na akong pakialam sa iniisip ng iba, basta masaya ako okay na ako don.
Naglalakad na ako papuntang terminal ng mga trycicle para makauwi na nang makita nang mata ko si James na pumasok sa 7/11.
Napalingon ako sa mga taong tumawid at imbes na sumabay sa kanila ay mas pinili kong pumasok din sa 7/11 at sundan si James.
Hinanap ko sya at nang makita na nag-babayad na sya sa counter ay nilapitan ko na.
"Anong binili mo?" sabay silip sa laman nang paper bag na hawak nya at sa resibo.
Nagulat sya sa akin kaya napa-atras sya at agad na tinago sa likod ang binili nya.
"Ba't mo tinatago?" natatawa kong tanong at pilit na sinisilip ang binili nya na tinatago sa akin.
BINABASA MO ANG
My Seatmate Is My Lover
Ficção AdolescenteStarted: June 23, 2023 Ended: July 31, 2023 Did you already fell in love with your classmate? Do you already have a crush with your seatmate? Maria Daniela Martinez is a clingy, noisy, and naughty girl in school. She has a rich family and she is one...