Target Lock: Assassination Gone Wrong 023

123 9 0
                                    

C H A P T E R  T W E N T Y - T H R E E

Nakaupo ako sa sofa habang naka 'de quatro' at seryosong tinititigan ang lalaking nasa harap ko ngayon. Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Joshral at parang ganoon rin siya sa akin. His arms were wide open supported with the couch.

Pagbukas ni Irene ng ilaw kanina ay agad siyang umalis sa ibabaw ko. Lumabas siya ng kwarto at sinabing bumaba kaming dalawa ni Irene para mag-usap sa ibaba. He told me to sit and Irene to bring a glass of cold water.

"Here you go, water"

"Is it cold?" seryosong tanong ni Joshral bago kinuha ang inaabot na tubig ni Irene.

"Oo, pero hindi masyadong maganda para sa lalamunan mo," tumango siya bago uminom.

"Sino ka nga ba ulit?"

"Oh, Kinidnapp ako ng mga kasama mo. I was sleeping when I heard a thud"

Para lang akong nanonood sa T.V dahil parang wala ako sa harap nila. Joshral's face was laughable. He nodded. "Okay, kidnapped girl who was sleeping in her kidnapper's house freely, you can go back to sleeping"

Inosenteng tumango si Irene at nag-aalalang napabaling sa akin. Tumango lang rin ako, senyales na ayos lang ako rito. Dahan-dahan itong tumalikod. She walked upstairs leaving me and Joshral alone.

Nang tuluyan ng makaalis si Irene, saka lang nagsalita si Joshral. "And who are you, Miss?"

Lumingon ako sa kanya habang nakaawang ang aking labi. "Y-You mean.... You don't  know me?"

"Are you staying in my room?"

Napangiwi ako sa pag-iignora niyang ginawa. "Uh.. Yes,"

Marami akong katanungan sa aking isipan. Sa lahat ng ginawa ko sa kanya, imposibleng makalimutan niya ako. Pasimple kong tinignan ang kamay niya at kitang naghilom na ang sugat na binigay ko sa kanya noon. Hindi ito halata at parang hindi tinusukan ng dagger dahil hindi mo mapapansin ang peklat nito. Ngumiwi siya bago humarap sa akin. Tinitigan niya ako ng seryoso ngunit matalim.

"If there's one thing I hate the most, that is when I've been to a horible place for a long time and then I finally came home, enter my room and reach out for a comfortable clothes but instead..... I grabbed a bra."

Panandaliang nag-init ang aking pisngi sa narinig. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil alam kong pulang-pula na nito.

Awkward air......

Napaubo-ubo ako. " Uhh... T-that must be really, u-uncomfortable. H-hehe," sambit ko at awkward na tumawa.

"Are you also a kidnapped girl?"

Seriously? Hindi niya ba talaga ako naa-alala. May amnesia ba 'to, o ano?  Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nangyayari o mapipikon sa inis. Sa kabila ng nararamdaman ay sinagot ko parin siya.

"Uhh. Actually I joined the Gang,"

Ang singkit niyang mata ay sandaling nanlaki. "Are you my replacement?" kuryuso nitong tanong at agad lumapit sa akin. Sa gulat ay automatiko akong napaatras. What the? Kung makalapit naman ito sa mukha ko parang di ko siya nakikita!

"Hindi!" sigaw ko na nagpaatras sa kanya pabalik.

"I'm a new girl who works at your department,"

Nang makarecover ay bumalik rin ang kanyang mukha sa pagiging seryoso.

"Why are you living here?"

Bago ko pa mabuka ang aking bibig at makasagot sa kanyang tanong, ay sabay kaming napalingon sa pintuan ng marinig namin ang pagbukas nito. Kita namin ang pagpasok ni Rashid. Naglakad ito at tumabi kay Joshral sa sofa. I saw Joshral grinned. Kusa nalang gumalaw ang mata ko at napairap sa kawalan.

Target Lock: Assassination Gone Wrong (COMPLETED)Where stories live. Discover now