Special Chapter : That Night

165 6 2
                                    

(Ito yung gabi bago pumunta sa Samantha sa building ng PIA pagka umaga)

***

Namumula at masakit ang mata kong nakatitig sa kawalan. Nasa labas ako ngayon ng mansyon nakaupo sa isang upuan habang nakatulala. Sa ngayon, natapos ko ng mag-impake ng mga damit ko.

Hanggang ngayon masakit pa rin sa akin ang lahat. Nakauwi na si Joshral sa bahay niya. Kahit papaano ay nagpapasalamat ako sa ginawa niya kanina. Pero hindi pa rin 'non nabawasan ang bigat na nararamdaman ko ngayon. Mabigat pa rin ang puso ko, basag na basag pa rin ito.

Bumuntong hininga ako at napababa ang aking tingin. Hindi ko na nakita pa si Nashton sa mansyon. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Hating gabi na pero hindi pa rin siya umuuwi. Hindi ko rin naman alam kung paano siya haharapin kapag nandito siya.

Pumikit ako, masakit na rin kasi ang mata ko. Siguradong mugto ito bukas. Bumaling ako sa harap ng mansyon. Napangiti ako ng malungkot ng maalala ang mga bagay na nangyari noon rito. Ang pagbasaan namin ni Rashid noon ng makita ko siyang naglilinis ng kanyang sasakyan. Nakakatawa dahil sa yaman niya, hindi siya naghanap ng taong mababayaran para lang gumawa at maglinis 'non.

Hindi ko alam pero mamimiss ko ang pagsasabatan namin. Ang pag-aaway namin sa maliliit na bagay. Hindi na rin ako nagtakha roon, kaya pala ganoon nalang ang trato namin sa isa't isa e, dahil sa magkapatid kami. Oo nga pala, hindi ko pa rin nasasabi sa kanya ang totoo. Para saan pa kung aalis na rin naman ako diba?

Si Blaise naman. Ang pagiging matatakutin niya sa tuwing nanonood kami ng mga horror movies. Kita mo 'yon, hindi takot pumatay ng tao pero takot sa multo. Hindi ko alam kung bakit ganoon sila. Mga ewan. Isa pa sa hindi ko malilimutang pangyayari duon ay ang pagiging patay-gutom nila ni Rashid. Noong nakaraan ay kulang nalang maubos na nila lahat ng pagkain sa reff. Nadatnan ko silang lamon-ng lamon sa sala habang nanonood si Blaise ng paborito niyang cartoons. Ano pa ba? Edi, spongebob.

Isa rin sa mamimiss ko, ay ang pagiging suplado ni Vaughnn. Naalala ko noon ng bigla ko siyang nahuling nakatitig sa kanyang phone. Hindi ko alam kung bakit ang tagal tagal na niyang hindi inaalis ang tingin niya duon kaya ng sumilip ako ay nakita ko ang mga pictures ni Irene roon. Halos lahat ay stolen shots kaya naman ng mambanta akong ipagkakalat kong may gusto siya kay Irene ay sapilitan niya akong nilibre ng Ice Cream. Pero hindi na ata muling mangyayari iyon. Alam kong galit siya sa akin dahil sa nangyari sa kay Irene. Napangisi ako. Namimiss ko na si Irene. Ang presensya niya, ang pagiging slow at inosente niya sa lahat ng bagay.

Napakagat ako ng labi. Si Joshral. Isa pa ang ulupong na iyon. Ang mga pag-aasaran namin. Magiging ala-ala nalang. Ang isang nakakatawang nangyari sa amin noon ay yung time na pinakialaman ko ang phone niya. Naiwan niya kasi ito sa Mansyon matapos may pinuntahang urgent sa headquarters.

Pinagpapasalamat kong wala iyong password kaya malaya kong nabuksan ang kanyang phone. Una akong pumunta sa inbox niya. Hindi na ako nagulat ng makitang sobrang daming messages roon, karamihan ay galing sa mga hindi ko kakilalang babae. Syempre hindi naman maitatangging may itsura si Joshral. At dahil sa malakas ang trip ko, nag-message ako sa isa doon na nagngangalang 'Jessa' Luckily, she replied. Akala niya kasi ay ako si Joshral. Nag-usap kami at sinabi kong magdedate sila ni Joshral sa susunod na araw. Pumayag naman ito. Pagkatapos nun ay iniwanan ko na ang kanyang phone.

Makalipas ang ilang araw ay galit na pumunta sa Mansyon si Joshral. Tulog pa ako ng katukin niya ang pinto ng kwarto ko. Nagalit ito dahil may pumunta raw na babaeng ang pangalan ay Jessa sa bahay niya, sinasabing may date raw sila. Oo nga pala at binigay ko ang address niya roon. Dahil duon ay ginawan ko nalang ng lemon juice si Joshral as peace offering. Mabuti nalang at tinanggap niya iyon kaya nagkaayos rin kami kalaunan.

Nagpatuloy lang ako sa pag-alala ng mga nangyari sa akin rito ng biglang sumagi siya sa isip ko. Syempre, hindi mawawala si Nashton.

Ang pagdedate namin noon. Ang paglabas para mag picnic. Noong mga panahong wala pang problema at puro kasiyahan lang ang aming iniintindi. Nakakatawang isipin na sa gabing ito, tapos na lahat. Wala ng silbi ito.

Napabuntong hininga ako. Wala pa ako sa kalagitnaan ng pag-alala ng may naramdaman akong presensya sa aking likuran. Agad akong naalarma at lumingon roon.

Seryosong mukha ni Nashton ang sumalubong sa akin habang ang kanyang kamay ay nasa loob nang mag kabilang bulsa ng kanyang pantalon.

"Bakit narito ka pa sa labas?"

Hindi ako nakasalita. Bakit parang normal lang niya akong kinakausap na parang walang nangyari?

"Hindi ka ba magsasalita dyan?"

Unti-unti nanamang nadurog ang puso ko. Nangilid ang luha sa aking mata.

"Nashton..."

Mahinang pagtawag ko. Blanko lang itong tumingin sa akin.

"Nashton..." pagtawag kong muli at agad tumakbo papalapit sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang iwan siya. Hindi ko kayang lumayo sa kanya.

"I'm so sorry Nashton. Sa lahat ng ginawa ko. Patawarin mo ako. M-Mahal na mahal kita. Huwag mo 'kong iwan." sabi ko sa pagitan ng aking pag-iyak.

Nanatili akong nakayakap sa kanyang katawan. Hindi man niya ako niyakap pabalik, hindi naman niya ako tinulak palayo sa kanya. Hinayaan niya akong yumakap sa kanya.

"N-Nashton..." napalunok ito at nag-iwas ng tingin.

Dahan-dahan akong humiwalay sa kanya. Umiiyak pa rin akong tumingin sa kanyang mukha. Nang sandaling magtama ang aming tingin ay kita ko ang sakit sa kanyang mata.

"Sinong may sabing iiwan kita?"

Sa sinabi niyang iyon ay napahagulgol akong muli. Kita ko ang pag-igting ng kanyang panga. "Hindi tayo naghiwalay. At hindi tayo maghihiwalay. Hindi sapat na rason ang ginawa mo para maghiwalay tayo."

Patuloy lang ako sa pag-iyak habang sinasabi niya iyon. Namungay ang kanyang mata."Mahal mo ba ako?" paos ang kanyang boses.

Agaran akong tumango sa kanya. "Then, that's it! We will not break up. We can't break up just like that. If you start to like someone else, if I get used to not being with you, when that time comes, only then we can break up. Whether you want it or not, I'll still be going to hold onto you.."

"The moment I met you, my life changed. Everything I saw, everything I heard, everything I felt... All the scenery around me... It's started to take on color. My world began to sparkle. You have this incredible way of making my heart happy. I often catch myself constantly wondering how you are, sitting alone with my mind set so fast reminiscing about your smile, your voice, your touch. Damn this life! Kahit na niloko mo pa ako hindi kita magawang iwan, Samantha."

My heartbeat increased as he said my real name. I felt the world disappear. I felt like the time stopped. And everything froze. 

"You have me. Until every star in the galaxy dies. You have me, baby. Let's lock the doors and block out the world. Undress our souls and release the beautiful monster we hold inside. I love you then, love you still, always have and always will."

And right then... It felt like I finally understood where everything was. Eternity, the heart, the soul. It was like I was sharing every experience I've ever had in my life. And then... Next moment... I became unbearably sad. I didn't know what to do with this feeling. Your warmth, your soul. How was I supposed to treat them? I didn't know.

And right then... I clearly understood that we would never be together. That vast expanse of time; they lay before us and there was nothing we could do. But then, all my worries, all my doubts, started melting away. All that was left was the warmth of your embrace and your sweetest kiss.

Target Lock: Assassination Gone Wrong (COMPLETED)Where stories live. Discover now