Target Lock: Assassination Gone Wrong 036

128 8 0
                                    

C H A P T E R   T H I R T Y - S I X

"I love you.."

Pakiramdam ko tumigil ng husto ang pig-ikot ng mundo. Wala akong ibang naririnig kundi ang lakas ng tibok ng aking puso. Wala akong ibang nakikita kundi ang nakangiting si Nashton sa harapan ko.

Tama ba ang narinig ko? Sa ilang buwang nakalipas, sa ilang buwan na magkasama kami, ngayon niya lang ito sinabi. Malungkot akong ngumiti. Ang tagal kong kinimkim ito sa aking luoban. Matagal kong kinalimutan at hindi pinansin. Matagal kong pinakatago sa dulo ng kaibuturan ng aking pagkatao. Ngunit, sadyang wala ata talaga akong laban. Pilit siyang lumalabas, pilit siyang kumakawala. At ngayon, gusto ko munang isipin ang sarili ko. Gusto ko munang sarili ko naman ang pasayahin ko. Kaya naman walang alinlangan ko itong pinakawalan.

"I love you too..."

Nag-init ng husto ang gilid ng mata ko. Nangingilid narin ang mga luha ko roon kaya umalis ako sa yakap niya, dahil kapag nanatili ako, tiyak na luluha lang ako sa dibdib niya.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko habang mapungay ang kanyang matang nakatitig sa akin. "You deserve the world, baby. And I know I can't give that to you. So I'll give you the next best thing— my world."

Napakagat ako ng labi. Ayokong umiyak sa harap niya. Ayoko.. Ngunit sa ginagawa niya, hindi ko alam kung mapipigilan ko pa ito. Mahal na kita. Mahal na kita, Nashton. At kahit ayaw ko, mas minamahal pa kita araw-araw.

"You have my blessings but can I excuse her? We'll just have a mother-daughter talk."

Napalingon kaming pareho kay Mrs. Lee. Napangiti ako ng kaunti. Mother-daugther. Yeah, masarap sa pakiramdam.

"I don't have any problem with that, Madame." si Nashton sabay tingin sa akin.

Ngumiti si Mrs. Lee at sabay kaming naglakad palayo roon. Pumunta kasi sa isang table at umupo roon sa bakanting upuan, may kalayuan kaunti sa pwesto nila Nashton. Sandali muna akong bumaling sa kanya at kita ko ang pakikipagkwentuhan niya sa ibang kakilala. Nang mapansin niya ako ay ngumiti siya sa akin. I smiled back and turned to Mrs. Lee.

"So this was your mission,"

Mapakla akong ngumiti sa kanya. "We're both pretty similar, aren't we?"

Kita ko ang lungkot sa kanyang mata. Hindi lang ikaw ang nalulungkot Mrs. Lee. Ako rin. Ako rin, nalulungkot.

"Mr. Lee doesn't know you're an Agent. Nashton doesn't know I'm one."

Ngumisi sa akin si Mrs. Lee. "Men are quite foolish." she commented.

"You've been married to Mr. Lee for 10 years."

"Wow, ganoon na pala katagal." bumilog ang mata nito na parang hindi na talaga alam na halos 10 years na silang kasal. Well, she doesn't even care at all.

"Sa tagal niyong nagsama ni Mr. Lee, minsan ba hindi mo naisipang mahalin siya? Hindi mo ba naramdamang minahal mo siya ng totoong pagmamahal?" I asked.

"He will always remained as a mission," walang reaksyon at tipid na sagot niya sa akin. Napatingin ako sa baba. Nawalan na ng pag-asa.

Target Lock: Assassination Gone Wrong (COMPLETED)Where stories live. Discover now