C H A P T E R E I G H T
"P-Paano mo ako nahanap?" tanong ko kay Nashton habang pinaglalaruan ang aking mga daliri na nakapatong sa hita. Nandito kami ngayon sa sasakyan niya.
Hindi ko alam kung paano niya nalaman agad kung nasaan ako.
Tumingin ako sa kanya ng hindi ito nagsalita.
"Nashton?" tawag ko.
Umigting ang kanyang panga at nagsimula ng magmaneho.
"I have my ways." simple niyang sagot pero hindi parin ako tinitignan.
Oo nga naman.. Sa isang katulad niya, madali nalang sa kanyang makakalap at malaman ang impormasyon ng isang tao.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig.
Alam niya rin kayang Agent ako?
Umiling ako at kinalimutan ang nasa isipan.
"I'm surprised. Hindi ko inaakala na magiging isa kang Gang Leader. " sambit ko.
" Answer my question. What happened?" usal niya sa isang malamig na tono.
Napalunok ako at tumingin sa kanya.
Napansin ko ang pagbilis ng takbo ng sasakyan.
"I'm p-pretty sure you have a w-ways to find out a-about that a-as well." putol-putol na sabi ko at nag-iwas ng tingin.
Humigpit ang kanyang pagkakahawak sa manibela ng sasakyan matapos marinig ang aking sinabi.
"I have. Pero gusto ko marinig mismo galing sa iyo."
I blinked...
Something was wrong. Looked like really different. Nashton didn't have that 'joy', or 'funniness' on his voice. But more of 'seriousness'
"Ah, I think its better if you dont---"
"Damn, just answer me!" Nashton shouted.
Napapitlag ako sa gulat. Hinihingal akong lumingon at tumingin sa kanya.
"M-my stepfather w-was forcing me to m-marry his f-friend's son." I said while stuttering.
I looked away.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong niya pero ngayon ay nasa isang mas mahinahon na paraan.
"Ano namang mangyayari?" mahinang tanong ko at tumingin nalang sa bintana.
I felt the car speed increased. I glanced at Nashton who had a very angry looked. I couldn't understand why.
"Who do you want me to kill? Your father, his friend or the son?" nanggigigil na tanong niya.
"Perhaps all?" dagdag na tanong niya.Napaawang ang bibig ko sa narinig at nanuyo rin ang laway sa aking lalamunan.
Seryoso ba siya?
YOU ARE READING
Target Lock: Assassination Gone Wrong (COMPLETED)
AcţiuneTarget Lock: Assassination Gone Wrong (COMPLETED) Samantha becomes an Agent. She has to complete a mission. To get the Gang leader of the biggest Mafia in the whole of Asia. The same handsome guy who works with her at a chicken restaurant. But what...