Target Lock: Assassination Gone Wrong 022

133 9 0
                                    

C H A P T E R    T W E N T Y - T W O

Next Day.....

"Saan tayo pupunta ngayon?" I asked Nashton who sit comfortably next to me.

"To meet my real family." he said seriously.
Nakakunot ang noo kong tumingin sa kanya.

"Akala ko ba wala ka ng magulang?"

"But I do have a relatives."

"Bakit mo naman ako dadalhin roon? Is this something important?" naguguluhan ko paring tanong.

" Huwag kang mag-alala, malalaman mo rin iyon mamaya." sambit niya.

"Actually, I'm worried about my friend. Isa niya lang roon sa mansyon. And your friends are not the best people." sabi ko sabay irap sa kanya. He chuckled.

"Today is a working day. The guys won't be home. At kahit na umuwi sila, hindi naman sila gagawa ng kung ano sa kaibigan mo."

Napaikot kong muli ang mata ko."I'll trust your words."

**

Hindi makapaniwala si Vaughnn habang nakatingin sa labas ng kanilang Mansyon. This girl was impossible. Even tho she was kidnapped yet she acted like a princess in her castle.

Masayang nagmumuni-muni si Irene sa labas ng Mansyon. Nasa garden siya at natutuwa dahil sa ganda ng panahon. Nagawa pa niyang makipagkwentuhan sa mga gwardyang nagbabantay rito. Lakad-takbo ang ginawa niya papuntang pintuan at pumasok sa loob ng Mansyon. Nakita niyang nakaupo sa sofa ang seryosong si Vaughnn habang may sigarilyong nakapasak sa kanyang bibig. She made a worried face.

"No wonder why the living room smell so bad." komento niya at tinuro ang sigarilyo.

"Umalis ka rito."

Napamaang si Irene. " Ha? Bakit?"

"Ayaw mo sa amoy nito diba? Then go away. Tss." umiling si Irene at tuluyan ng pumasok.

"No but you should throw that away."

"At bakit naman kita susundin?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Vaughnn bago humithit ng kanyang sigarilyo.

Hindi agad nakasalita si Irene. Kita niya ang multo ng ngiti ni Vaughnn sa kanyang labi kaya nanlaki ang mata niya.

"Ngumiti ka? Oo, ngumiti ka! " biglang sigaw niya na ikinatigil ni Vaughnn.

Unti-unting bumalik ang kanyang mukha sa pagiging seryoso at mapikonin nito. "Tss."

"Hindi kita susundin. Ano kita, Nanay?" pasiring sambit nito.

"Wala naman akong sinabing ganoon ah, Van." napakunot ang noo nito sa sinabing pangalan ng Dalaga.

"Vuaghnn nga sabi, VAUGHNN." pikon niyang ulit.

"Ah... Sabi ko nga diba, Vaughnn." parang babaeng umirap sa kanya si Vaughnn. Napanguso naman si Irene sa kanya.

"What?" tanong nito ng maramdaman ang titig ni Irene sa kanya.

Target Lock: Assassination Gone Wrong (COMPLETED)Where stories live. Discover now