Target Lock: Assassination Gone Wrong 040

127 7 0
                                    

C H A P T E R   F O R T Y

"You are Agent 008."

Namutla ang mukha ko sa kanyang sinabi, natigilan ako. Bumalik na ang ala-ala niya? Shit.. Nanlalamig ang buong katawan kong bumaling sa kay Nashton na nakatabi kay Joshral. Sasabihin ko na sana kay Nashton, pero hindi magandang sa ganitong sitwasyon niya nalaman ang lahat. Hindi ito ang plano ko...

Sa kasunod na nangyari ay mayroon ng baril na nakatutok sa sintido ko. Napatingin ako sa baba. Hawak ni Joshral ang kanyang baril at madiing nakatutok sa akin.

"Totoo ba?"

Napalunok ako sa seryosong boses ni Nashton. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Nagtama ang aming tingin. Hindi ko pinansin ang baril na nakatutok sa akin dahil mas gusto ko pang malaman ang reaksyon niya. Kita ko ang blanko niyang ekspresyon. Doon palang, alam ko na kung bakit.

Nagsalita ako. "Totoo. Alam mo hindi, ba?" malungkot akong ngumiti sa kanya.

Nanatili siyang seryoso pagkatapos ay tumango. Nashton's face explained it all. He wasn't shock or even hurt.

"What the fuck! Bakit hindi po sinabi?" angal ni Joshral.

"No one ever asked me."

Sa kanilang pag-uusap ay agad kong hinablot ang baril sa kay Joshral.

"Shit!" he cursed.

Umatras ako ng ilang hakbang at mabilis kong tinutok ang baril kay Nashton na kalmadong nakaupo sa couch.

"Since you know so much... You might also know my final goal,"

Ilang segundo ng katahimikan ang bumalot sa amin bago ito binasag ng isang tawag sa telepono. Napaawang ang labi ko. Nasa table katabi ni Nashton ang aking phone. Sabay sabay kaming napalingon roon. Kinuha niya ito at saka tumayo.

"PIA didn't send you to kill me.."

Nag-umpisa siyang naglakad papalapit sa akin. "They want me alive.."

Nalaglag ang panga ko. Holy shit.. He does really know a lot.. Sobrang bilis ng pagtibok ng aking puso. Hindi ko inalis ang pagkatutok ng baril sa kanya lalo na ng hindi siya tumigil sa paglakad.

"And because I know a lot. I also know that you can't pull the trigger.."

Nakatayo na siya ngayon sa harap ko. Mapakla akong ngumiti at hinulog sa sahig ang hawak na baril. Right now, alam kong wala akong takas. Ito na siya—ang kinakatakutan ko. Nanatiling nakatayo si Joshral sa gilid at tahimik kaming pinagmamasdan.

Tinignan ako ni Nashton ng mariin sa aking mata pagkatapos ay bumaling ito sa aking phone na hawak niya. Napunta rin roon ang aking tingin. Kita ko roon na nagriring pa rin ang aking phone. It shows '3'. At alam ko na kung sino iyon. It means Agent 003, Litch Ywon Baltazar.

Tahimik na sinagot ni Nashton ang tawag at in-on ang speaker. Alam ko ang nais niyang ipagawa sa akin. Gusto niyang makipag-usap ako kay Ywon sa harap niya, sa harap ni Joshral.

May kung anong bumukol sa aking lalamunan. "A-Agent 008 r-reporting..."

"Can I even call you Agent anymore? What are you doing?"

Target Lock: Assassination Gone Wrong (COMPLETED)Where stories live. Discover now