C H A P T E R S E V E N T E E N
Nakatulog ako ng halos dalawang oras sa isang vacant room dito sa fighting department. Nagising ako at bumangon, karamihan sa mga lalaki ay tulog parin. Napangiti ako ng maalala ang nangyari kagabi. It was already 5 am in the morning. Napagdesisyonan kong lumabas kaya naman naglakad na ako hanggang makarating sa torture hallway.Napaisip nalang ako kung ilang tao na ba ang nadala at pinahirapan sa bawat kwartong narito. Pinilig ko nalang ang ulo ko at kinalimutan ang pumasok sa isipan. Soon I went into the working room. I sat on the chair and opened a few files.
Binuksan ko ang isang enveloped at binasa ang mga impormasyong may kinalaman sa kaso ni Bruno Eins. Sa totoo lang ay napakahirap talagang isara ng kasong ito, at kahit ako ay aminadong nahihirapan din. Pero nang dahil sa interes ko ay hindi ko na napigilan pang mangealam sa kanya.
Maybe I should prove myself. Maybe I could attain a higher position pero alam kong kapag nagkamali lang ako ng kahit maliit lang, hindi magiging maganda ang resulta nito sa akin. But I should also take a risk right? Ilang oras pa ang ginugol ko sa pagbabasa sa kaso ni Bruno ng may biglang pumasok na kung sino.
"Princess, nandito ka parin?"
Napalingon ako sa isang kasamahan ko rito. Tumaas ang isang kilay ko.
"Bakit? Is there something going on?" I asked.
"Kung ayaw mong maputukan ng baril sa balikat mo ay tumayo kana diyan at pumunta sa meeting room ngayon din." sabi pa niya.
Nangunot ang noo ko. "Susunod na ako." He quickly left. Maraming katanungan ang pumapasok sa isip ko ngunit isinantabi ko nalang muna iyon at pumunta na sa sinasabi niyang meeting room na may ilang floor ang kalayuan mula sa working room ko.
Matapos maramdamang huminto na ang elevator ay lumabas na ako at lumiko pa kanan. Sa isang araw kong narito ay pinag-aralan ko na kung saan ang mga pwesto ng opisina sa main building na ito. Humingi ako ng blueprint copy kay Mark kaya naman hindi na ako nahirapang hanapin kung saan ang meeting room. Huminto ako ng mabasa sa taas ng pintuan ang meeting room.
Walang pag-aalinlangan kong binuksan ang pintong nasa harapan ko ngayon. Looked like I made it on the time. I felt some hot stares while I making my way inside the room. Inignora ko lamang iyon at tumabi sa kay Mark na mukhang stress na dahil sa nakakunot nitong noo habang minamasahe ang kanyang sintido. Nakita ko ang pagluwag niya ng kanyang tie sa kanyang leeg. I turned to him and asked what was going on.
"Watch and see" tipid nitong sagot habang hindi tumitingin sa akin pabalik.
And thats what I did. Ilang minuto lang ng biglang bumukas ang pintuan, iniluwa nito ang seryosong mukha ni Lance. Lahat sila ay napaayos ng upo matapos siyang makita.
Lance sat down on the middle chair infront of us. Ilang sandali ay tumayo ang isang lalaki dala ang files at lumapit sa kanya, ibinigay niya ito kay Lance. Bumaling ito sa kanya at tinignan ang mukha ng lalaki, kita ko ang takot sa kanyang mukha ng sandaling tumagal ang titig nito sa kanya. Matapos ang mahigit tatlong segundo ay sa amin naman pinadaan ni Lance ang kanyang nakakapasong titig.
"Mukhang wala tayong mga problema ah." sarkastiko nitong sabi.
Kahit mahina ay rinig ko ang munting buntong hininga nila. Just then, Mr. Lance raised a brow.
"Mr. Rex, hindi mo tinapos ang project mo?"
Isang may katandaang lalaki sa bandang dulo ang biglang tumayo habang nakayuko.
"P-Pasensya na ho Sir. Hindi ko ho talaga k-kaya ang project na iyon. N-Napakaimposible." pagpapaliwanag niya kay Lance.
"Matagal ka ng nagtatrabaho rito hindi ba?" Tanong nito sa kanya na dali-dali naman niyang tinanguan habang may multong ngiti sa labi.
"Don't push my button. You're making me want to kill you." dito na tuluyang napawi ang ngiti sa kanyang mukha.
"This fucking project was given to you. Kung hindi mo kayang resolbahin, we can finally say goodbye to it. "
"Along with you, ofcourse." dagdag nito na mas lalong nagpatakot sa lalaki.
The door suddenly opened by someone outside that made a loud noise. Napabaling kami roon kasabay ng pagpasok ng ilang mga lalaking nakaitim. Agad nilang nilapitan si Mr. Rex at hinawakan sa magkabilang braso. Nanlaki naman ang mga mata ni Mr. Rex at dali-daling humingi ng tawad sa kanya. Napaikot ko ang aking mata. Papatay ba talaga sila ng tao dahil lang rito?
I suddenly got up and spoke. "I'll take the project." I said as I raised my voice. Dahil roon ay naagaw ko ang kanilang atensyon. Nakita ko ang pagtaas ng isang kilay ni Lance.
"Menida Delos Reyes, zero experience, joined only yesterday. Sa tingin mo ba magagawa mo ito ng mas maayos kaysa sa kanya na matagal ng nagtatrabaho rito?" nanunuya niyang tanong sabay turo kay Mr. Rex.
"I don't know but I'll give it a try." I said as I shrugged off my shoulders.
"Listen. Kung inaakala mo, madali lang ito ay nagkakamali ka. Wala pa sa kalahati ang alam mo. You think these department was the easiest department? Well let me tell you these. Our rules are worst than any other department. If you fail, you'll die."
Inignora ko lang iyon at bumuntong-hininga bago tumingin sa kanya.
"Kailan ba ng deadline?" I heard him sighed too after answering my question.
"I'll give you two weeks. Remeber, its a deadline."
He got up and left the meeting room. Ang iba ay sumunod sa kanya palabas. Tumayo ako at kinuha ang folder. I opened the file and saw a case. Ang kailangan kong gawin ay ang gumawa ng plano kung paano magnakaw ang mahigit 16 billion pesos.
"You're digging your own grave." Mark said.
I ignored him and just focus on the folder which I was holding right now.
"In this case, I'll need a help from a hacking team." I said.
"Yeah but listen,"
Bago pa niya madugtungan ang kanyang sasabihin ay nilagpasan ko na siya at lumabas na ako ngunit napatigil ako ng salubungin ako ni Mr. Rex.
"Gusto ko sanang magpasalamat sa ginawa mo kanina. Napakabuti mo." sambit niya.
"I don't think she's doing this because of you. Interesado lang siya sa kasong ito kaya nakikita niyang isa 'tong challenge para kanya." singit ni Mark sa likod ko.
"Tsss." I hissed.
Hindi ko na sila pinansin at tuluyan na akong lumabas. Pero bago iyon at tipid kong nginitian si Mr. Rex.
Pumasok ako sa isang department. A lot of guys were busy on their computer when suddenly their eyes landed at me. One man was standing in the middle who looked like an instructor.
"These is hacking class. I think you've come to the wrong place." sabi ng isang lalaki sa akin.
Binalewala ko ang sinabi niya at inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng room.
"Where can I find a professional hacker?" tanong ko at ibinalik ang tingin sa kanya.
Nag-aalangan man ay sinagot niya ako. " You'll... have to ask our leader for that. He's in room No.45"
"Salamat" simpleng saad ko at nagsimula ng tumalikod sa kanila. Naglakad na ako para lumabas sa room na iyon. Pero bago pa ako makalabas ay rinig ko ang bulong-bulongan nila.
"Siya ba yung naririnig kong tinatawag raw nilang prinsesa?"
"Seems so, she's look hard working and cool."
"Sana dito siya sa department natin sumali."
"Silence boys, unless you want your kidney to be sold." sambit ng lalaking nakausap ko sa kanila dahilan para mapatahimik sila.
Dahil roon ay nakangisi akong lumisan sa kanilang derpartamento.

YOU ARE READING
Target Lock: Assassination Gone Wrong (COMPLETED)
AcciónTarget Lock: Assassination Gone Wrong (COMPLETED) Samantha becomes an Agent. She has to complete a mission. To get the Gang leader of the biggest Mafia in the whole of Asia. The same handsome guy who works with her at a chicken restaurant. But what...