Target Lock: Assassination Gone Wrong 038

125 6 0
                                    

C H A P T E R   T H I R T Y  -  E I G H T

Naka-ilang katok na ako sa pinto pero wala pa ring sumasagot. Nasaan kaya si Irene? Sa pang-limang pagkakataon ay kumatok muli ako, narito ako ngayon sa bahay niya. Nag-aalala na ako. Baka kung ano ng nangyari duon. Kinapa ko ang baril sa baywang ko, kukunin ko na sana ito ng may biglang yumakap sa akin sa likuran, nagulat ako at naalarma. Handa ko na sana itong patumbahin kung hindi lang pamilyar ang pagtawa nito at kung hindi ko kilala ang kamay ni Irene na nasa tyan ko ngayon. Napahinga ako ng maluwag.

"Saan ka nagpunta? Ang tagal mong nawala ah, namiss kita."

"Naging busy lang sa ibang bagay. Iniisip ko kung bakit may maliit na teddy bear dito sa harap ng pinto mo," sabi ko sabay tingin roon. Yun ang una kong napansin pagpunta ko rito.

"Ah, ito. Another one." wika niya sabay kuha roon.

Isa itong teddy bear na kulay puti at may malaking heart design na kulay pula sa bandang tiyan. Nanliit ang mata ko...

Binuksan niya ang pintuan at sabay kaming pumasok sa loob. Nangunot ang noo ko ng makita sa salas ang iba't ibang teddy bear. 'Yung iba malaki, mayroong maliit, may sakto lang at iba-iba ang disenyo nito.

Lumingon ako sa kay Irene gamit ang nagtatanong kong mata. Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin at sinagot ako.

"Vaughnn sends these every now and then.."

"And what do you say?" tanong ko sabay upo sa couch. Nanatili naman siyang nakatayo sa harap ko.

"Ano pa ba? Edi thank you.."

Napangiwi ako sa kanya. "You don't get it. They're not gifts, they're confessions."

"Huh? Paano mo naman nasabi?"

"Can't you see? Lahat ay mayroong nakasulat na ' I love you ' sa bawat heart..." paliwanag ko sabay sinuyod lahat ng iyon.

Napatingin rin naman si Irene sa maliit na teddy bear na hawak niya. Mayroon rin kasi itong I Love You na nakasulat sa bandang tiyan.

"Akala ko normal lang iyon.."

"A cold Gangster sends you these cheesy teddy bears, very normal right?" sabi ko at sana ay nahalata niya ang pagiging sarkastiko ng boses ko.

Ngumuso ito. "Gusto niya ba talaga ako?"

"Ngayong alam mo na—anong gagawin mo?"

Irene sat down on a couch. "Samantha, nakita mo na bang ngumiti si Vaughnn?" mahinang tanong nito.

Ngumiwi ako. "Never.."

"Ako, nakita ko na. He has the most adorable smile ever.. Kung ako lang din naman ang dahilan para muli siyang ngumiti ng ganun, then I'm okay with it."

Napatawa ako ng mahina. Words like 'adorable' or 'smile' don't get along with Vaughnn. Pero kahit pa ganun, somehow, naiintindihan ko siya. Kung bakit hindi niya agad nakuha ang pinapakita ni Vaughnn, kung bakit naguguluhan siya. Sa sandaling nagkasama kami noon as classmates, hindi ko pa siya nakitang niligawan. Yeah, totoo. Takot kasi ang karamihan sa Tatay niya. Kaya nilalayuan siya ng mga 'to. Bago palang sa kanyang ang pakiramdam ng ganoon kaya di ko siya masisisi kung bakit ganoon nalang ang nakasanayan niya. Irene got serious and looked at me.

Target Lock: Assassination Gone Wrong (COMPLETED)Where stories live. Discover now