C H A P T E R T W E N T Y - O N E
Nashton slowly opened the door. At tama nga ang hinala niya. He saw what he did not want to see.Rashid disgusted face. Hawak niya ang bowl na naglalaman ng kanin at masasabi mong kakasubo niya lang ng isang kutsara dito. Napalingon siya sa kakarating lang na si Nashton. Agad na nagsalubong ang kilay niya at di napigilang sigawan siya.
"Hey, Nashton! Who made this poison?" tanong niya sabay tingin sa hawak niyang bowl.
"You don't need to know. Put it down." ngumiwi si Rashid sa kanyang sinagot.
"Si Menida, ano?"
"Kung gutom ka, mag order ka nalang ng iba." pag-iiba niya.
"Grabe naman yung pagluluto niya. Her cooking skills, sucks."
"Shut up!" sigaw ni Nashton na siyang tinawanan niya.
**
"You are an Agent?"
Agad akong napalingon sa likod ko. Someone was standing there. Somene heard it all. Who was it?
"Menida, Agent ka?" ulit na tanong ni Irene sa nanlalakihang mata. Hindi ito makapaniwala sa nasaksihan at narinig ng kanyang sariling tainga. Agad na nagseryoso ang mukha ko.
"Wala kang narinig na kahit ano." Inignora lang iyon ni Irene at mas lumapit sa akin.
"Totoo? Like those people in movies? Who wear black tight clothes?" automatikong napairap ang mata ko.
"The tight clothes part is a misconception."
"So you really are?"
"I said you did not hear anything." madiin kong sabi sa kanya at tinitigan siyang diretso sa kanyang mata.
"Pero narinig ko. Matagal ka na bang Agent, simula palang?" tanong pa nito sa akin.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" she added. Nakita ko ang mabilisang pagdaan ng sakit sa kanyang mata.
"Pwede kong sabihin sayo. Pero kailangan kitang patayin."
Nangunot ang kanyang noo matapos marinig ang aking sinabi.
"Kill? Gang? Agent? Robbery? Mission? Ano bang nangyayari?" desperada niyang tanong na tila hindi pa talaga nakukuha kung anong nangyayari.
Naglakad ako at mas lumapit sa kanya. Hinawakan ko ng mariin ang kanyang balikat. Pilit kong pinaliwanag sa kanya ang sitwasyon.
"I'm an undercover Agent, and this gang is my enemy. That's all. At dahil alam mo na ngayon, kailangan na kitang patayin. At kapag hindi ka namatay, ako ang mamatay." nahihirapan kong pagsabi sa kanya ng totoo.
Naguluhan ako ng bigla siyang ngumiti.
"Huwag kang mag-alala, if killing me will assure your safety for being an Agent then go ahead."
Napalayo ako sa kanya. "You're really something." mapait siyang ngumiti sa akin.
"Maybe all this time, you didn't think me as a friend. Pero ako, oo. And I still do. Sigurado akong nahihirapan kana sa sitwasyon mo ngayon." malambing niyang sabi. Duon na tuluyang nasaktan ang puso ko.
Irene....
"I can't kill you right now."
Napapikit ako. Samantha, nagpapakin ka nanaman sa emosyon mo. Remember, You are an Agent. You should'nt feel anything like this.
YOU ARE READING
Target Lock: Assassination Gone Wrong (COMPLETED)
AksiyonTarget Lock: Assassination Gone Wrong (COMPLETED) Samantha becomes an Agent. She has to complete a mission. To get the Gang leader of the biggest Mafia in the whole of Asia. The same handsome guy who works with her at a chicken restaurant. But what...