Tong-Its

2.3K 42 2
                                    


Amor POV

NAGISING ako dahil sa ingay na naririnig ko sa labas ng kwarto ko..



Paglabas ko, nakita ko na naman yung mga classmate ng Nanay ko.. Panay ang sigawan eh magbabalasa lang naman ng baraha..







"Juskooo naman Nay! Ang aga aga naman ng session niyo! Diba Linggo ngayon? Usapan natin Lunes hanggang Biyernes ka lang maglalaro ng Tong-its na yan diba?? Eh bakit nandidito yang mga classmates mo? Nag almusal na ba kayong lahat??" naiiritang sigaw ko habang kumukuha ng tasa para gumawa ng kape.



"Anak! Holiday bukas! Kaya ngayon kami nag session! Tsaka maaga kaming kumain!! Diba?!!" sagot ni Nanay sabay tingin sa mga kalaro niya.




Inirapan ko na lang ang Nanay. Mabilis akong nag almusal, naligo at nagbihis.. May pupuntahan kasi ako ngayon..






Nakasuot ako ng ripped jeans, white rubbershoes at red na sleeveless.. Inayos ko ang body bag ko at isinuot ang cap ko..






Naglalakad ako sa hallway ng tenement...




"Good Morning Amor! " bati ng mga kakosa kong maaga palang, nagpapakabusog na sa alak.




"Talaga nga naman. Ang aga aga, laklak na naman sa paborito niyong almusal!" pagtataray ko..






"Syempre Amor! This is our life, its inuman time!! Wohooo!! " sigaw ni Kuya Tisoy.. Inirapan ko lang sila sabay ngiti..




"Ingat ka sa pupuntahan mo Amor!! " sabay sabay na sigaw nila..







Feel na feel ko ang paglalakad pababa ng tenement.. Kinuha ko yung phone ko..






Nagtataka ako, bakit walang ni isang text yung Kentoots na yun..




Ibinalik ko sa bag ang phone at naglakad na sa kalsada..







Huminto ako sa mansion ni Kentooots.. Pinindot ko ng sunod sunod ang doorbell at sabay kumaripas ng takbo. Sakto naman ang paghinto ng isang jeep. Sumakay na ako baka makita pa nila ako sa labas ng gate. Natatawa ako sa ginawa ko..






Muli kong kinuha ang phone ko at binasa ang huling conversation namin ni Ken kagabi..





"Please Amor. Wag na wag kang pupunta sa Art exhibit ko bukas. "






"Dali na!!! Payagan mo na akong makapunta!! Madaming boys dun diba? "



"Hindi ka pupunta. Di kita papapasukin. "




"Pupunta ako. "



"Bakit ba?  Kailan ka ba natutong maka appreciate ng arts? Ng paintings?? Haaays. Magpapasaway ka lang dun eh! "




"Edi wag! Hindi na ako pupunta. F. O NA TAYO!! " inis na reply ko sa kanya.






"Ayan ka na naman sa FUCK-O mo eh!! " reply niya at natawa ako.





"Akala ko ba Doctor at Painter ka? Anong Fuck-O pinagsasabi mo? Ang bastos mo naman! "





"Wow. Nakakahiya naman sayo.. "





"Friendship Over!!! Wag ka na magtetext!" huling reply ko sa kanya at hindi nga nagreply si Ken..










Sumilip ako sa bintana ng Jeep.





Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon