Amor's POV
Sabado ngayon. Wala akong pasok.. Nakahiga ako ng pabaliktad sa sofa para matuyo ang buhok ko..
"Haaaaay Bukluuuuuh!!! " sigaw ni Marika..
Aksidente akong nahulog sa pagkakahiga ko dahil sa gulat kay Marika..
"Girl. Anong ginagawa mo diyan!! Tumayo ka nga!!"
"Ano ba Buhklaaaa!!! Ang aga-aga, ang ingay ingay mo!!! Taas ng level ng energy mo hah!! "
"Di ka ba nasurprise na makita ako!!! Hello!!! I'm Marika!!! Your "bff since wasak ka ng dahil kay Ken nung nag flylalo siya sa ibang bansa" 8 years ago!!"
"Oo na. Bunganga mo nga. Tsaka kelan ka pa umuwi?? Diba nasa Japan kalang kahapon?? Nakita ko IG Story mo eh! " sabi ko sabay kuha ng baso para gawan to ng Ice tea. Favorite niya yan eh..
"OhMGiiiii!! Ice tea ba yan?? Ayan talaga pinunta ko dito eh!! "
"Ayun. Sana sa restaurant ka nalang na may bottomless icetea ka pumunta! Sayang lang yung yelo namin dito eh. "
"Grabe ka. Namiss kaya kita!!! " sabi nito sabay yakap sa akin.
"Kamusta ka na? " tanong ko dito.
"Eto. Kung saan saang bansa na ako nakakapunta dahil sa pag vvlog ko!! "
"Wow. Buti ka pa, may talent sa pag vvlog na yan. Di mo na kilangan mag trabaho para kumita ng pera.. Maka ilang post ka lang ng videos sa YT, kikita ka na agad. Iba! "
"Kaya ako pumunta dito para mag offer sayo.. "
"Naku, Marika.. Wala akong pambili diyan sa produktong binibenta mo. "
"Kaloka ka Girl! Hindi ako magbebenta!! Hahahah.. I want YOU to be the new cover of my vlog account sa YT. Ikaw ipapalit ko sa picture nun. "
"Ako? Bakit ako? Tsaka, diba yung picture nung Vlog account mo sa YT is picture ng Chow-Chow? Mukha ba akong aso??? Ako ipapalit mo dun? "
"Hahaha. Ito naman!! Kaya nga eh. Nag decide ako at ang team ko na palitan yun ng picture ng isang tao. "
"Bakit di nalang picture mo ang ilagay dun?? "
"Pwede naman.. Kaso next time na lang. Gusto ko ikaw. Ikaw ang perfect cover girl ng vlog account ko!"
"Bakit nga ako?? "
"Amor. The Braver. Bolder. Fiercer. Oooooh!!! Diba!! Lakas maka cover ng magazine!! Hahahaha.. " natawa ako sa tinis ng tawa niya.
"Namiss kita! Alam mo yun? Hay naku.. " sabi ko sabay yakap dito.
"So payag ka na? "
"Oo. Tutal, wala naman akong gagawin ngayon eh.. Tara. Saan ba studio niyo? "
"BGC lang. Tara. Let's go!!! "
Habang papunta kami sa BGC, panay ang silip ni Marika sa phone ko..
"Ano ba! "
"Sino ba yang katext mo? Si Ken ba? "
"Oo. Ininform lang ako about sa flight namin papuntang Cebu. "
"Cebu? Ano gagawin niyo dun?"
"Hindi ko pa pala nasabi. Nag wowork na ako as personal secretary ni Ken sa hospital nila. "
"Wait. What??? As in personal secretary?? So lagi kayo magkasama sa office? "
"Syempre!! "
BINABASA MO ANG
Head over Heels
Fanfiction"Deep love is seeing someone at their most vulnerable, often lowest point, and reaching out your hand to help them get back up. Because deep love is selfless..."