Smoke

614 28 2
                                    

Amor's POV

Naiwan akong nakasandal sa pader habang humihithit ng sigarilyo..
Titig na titig ako sa araw na unti unti ng umaakyat..





"Kung ganito naman yung makikita ko, di na masamang magpaiwan diba? "bulong ko sa sarili..


Ang dami kong nakikitang magjowa na naglalakad.. Magkaholding hands, magkaakbay..


Napairap ako sabay buga ng usok.








Napahinto ako sa paghithit ng makita ko si Ken na lumabas sa pinto ng restaurant.. Hindi niya ako nakikita dahil nga nakasandal ako sa pader..
Nakatingin din ito sa asul na dagat.. Napakunot ang noo ko ng mapansin kong naglabas ito ng stick ng sigarilyo at sinindihan gamit ang lighter.





"Kailan pa siya natutong manigarilyo?? "






Di ako mapakali. Tatawagin ko ba siya or hindi na lang? Andito lang naman kasi ako sa likuran niya.. Nakasandal sa pader at gusto ng magpalamon sa sahig. Ewan ko. Kinakabahan ako eh..





My mind keep on telling me na wag siyang tawagin kasi nga girl tayo. Pero yung puso ko, sabik na isigaw ang pangalan nito.








"Ken!? " tawag ko dito.. Mabilis akong nilingon ni Ken. Napatingin ito sa hawak kong stick ng sigarilyo.









Noon, lagi akong tinatalakan ni Ken pag nahuhuli niya akong naninigarilyo.. Alam niyo na. Doktor ang kaibigan ko.  Healthy living ang ungas.. Nilalayo niya ako sa mga bagay na makakasama naman talaga sa health..

Pero bakit ganun? Paano siya natutung manigarilyo???








"Oh, Amor?! " tumingin ito sa paligid at lumapit sa akin.





"Wala ka yatang kasama. " sabi nito sabay hithit ng sigarilyo..





Naiilang akong nakikita siyang naninigarilyo.. Naiinis ako. Oo. Nakakainis. Hindi ito yung Ken na kaibigan ko noon.






"Kailan ka pa natutong manigarilyo? What happened to a "healthy living" Ken Chan? Don't tell me, nagresign kasa as a Doctor. " sabi ko dito at natawa ito.






"Buhay pa naman yung Hospital and nadagdagan ng isa pang branch.. So Doctor parin ako. "sagot nito. Bigla akong nailang sa sagot nito.. Parang papunta na yung topic sa nagawa ko dati eh. Napansin siguro nito ang pag iwas ko sa mga tingin niya kaya muli itong nagsalita.




"Kamusta ka na? "





Humugot ako ng malalim na hininga bago ko siya sagutin.







"I am happy. " nakangiti kong sabi..







Yes. Masaya ako kung anong meron ako ngayon. Maayos na buhay, mga bagong kaibigan, maayos na karera.. Wala na yata akong mahihiling pa.






Napangiti si Ken. Kung kanina, hinarap niya ako ng kakaibang aura, ngayon naman ay unti unti itong nagbago at napalitan ng magaang aura.







"Good to hear that. " nakangiting sabi nito..








"Talaga ba?? Maniwala ako sayo. 3 years ago, galit na galit ka kaya sa akin!! " biglang sabi ko at inirapan ito.. Huli na ng marealize ko kung ano yung nasabi ko.





Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon