Chopsuey

563 25 1
                                    

Amor's POV

KINABUKASAN, maaga kaming pumunta ni Ken sa hospital nila dito sa Cebu .. Maaga tuloy namin nilisan ang napakagandang beach na iyon.

Papasok palang kami sa loob ng hospital, nauunang naglalakad si Ken. Proud akong nakatingin sa kanya habang naglalakad ito. Ako lang naman kasi ang nagplantsa ng suot niyang white longsleeves at ash slacks. Ang poging Doktor nga naman talaga nito. Ilang mommies na kaya ang pinaglilihian siya? Hmmm.. Napahinto ako sa paglakad ng lumingon ito sa akin..


Kumunot ang noo nito.


"Bilisan mo. " utos nito.

"Oo na. Ito naman!"


"pinapantasya ka pa nga eh. " bulong ko sa sarili..


"Anong binubulong mo diyan? "



"Wala!!! " sabi ko at binilisan ko ang paglalakad para makasabay sa kanya.



"Look. Gusot pa sa part na to. " sabi ni Ken sabay turo sa bandang gilid ng suot niya. Sa part na naka tuck in.



"OA naman nito!!! Syempre gugusot yan kasi nag tuck-in ka!!! "



"tsssk. "



"Pasalamat ka nga sinabay ko yan sa pagplantsa ko eh. Gusto mo bang magusot pa yan lalo?? "tanong ko dito sabay ngiti.



"Huh?? "



"Tara dun sa loob ng CR!!! ---- charrooot!! " biro ko sabay tawa.



"Baka pagsisihan mo yang biro mo. " pagbabanta nito ..


Nanlaki ang mata ko at lumayo ng kaunti sa kanya. Narinig ko itong tumawa.

"Tara. " sabi nito.



"Anong tara!! " pagtataray ko dito.





"Sa office. Kanina pa tayo inaantay ng board members. " pagkaklaro nito sabay hatak sa akin.




Kinakabahan ako. Kaasar to!! "





After ng meeting, inaantay ko si Ken na magbihis ng damit at dumiretso na kami sa canteen para mag lunch..




"Ken, ano sayo?" tanong ko sa kanya. Habang sinisiko ito.



"Kahit ano, wag lang pork. "sabi nito sabay hanap ng upuan..



Naiwan akong nakatulala.



"Kahit ano, wag lang pork? Eh halos lahat to, pork eh!!! " napakagat akog ng labi at agad na lumapit sa nagtitinda para itanong kung ano pang iba nilang ulam.



"Ito pong chopsuey Ma'am!" sabi nung tindera at tiningnan ko ito.




Pagpunta ko sa table namin, naabutan ko itong may kausap sa phone.


"Ok. Ok. I'll call you later. " rinig kong sabi nito sa kausap niya sa phone.

"Chopsuey na lang sayo. " sabi ko.


"Salamat."



Pareho kaming tahimik na kumain..



Pagsakay namin sa airplane, pinaupo niya ako sa gilid ng bintana..




"Himala yata. Bakit dito mo ako pinaupo? "

Ngumiti lang ito.


Kinurot ko yung braso ni Ken ng tumama sa akin yung sikat ng araw..



Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon