Amor's POV
Inip akong nag aabang kay Ken dito sa court ng tenement. Susunduin niya kasi ako para sabay na kaming pumunta ng airport.
"Jusko naman. Sabi niya 5am dapat andito na. Tsss. 5:03 am na ooooh. Haaaaynakuuu namannn!!! " inis na bulong ko sa sarili.. Ayos ako ng ayos ng short ko.
Napatingin ako sa ilaw mula sa likod ko..
"Tara na. " sabi ni Ken na nakasilip sa Grab Car??
"Nag Grab ka? Bakit? Pinalayas ka na ba ng mga magulang mo? Wawa naman Kentootts. " pang aasar ko sabay irap.
"Sasakay ka ba o iiwan kita dito?? " sabi nito sabay taas ng salamin..
Mabilis akong tumabi sa kanya at ibinagsak sa lap niya ang dala kong bag.
"Hoy . Ang bigat ng bag mo!! Tsss.. " inis na sabi nito sabay bigay sa akin ng bagpack at mabilis niyang pinagpag ang white polo shirt niya.
"Ang arte mo!! Hmmp. Ikaw na nga late. "
"Quiet please. Mahiya ka sa Grab Driver. "
"Bakit ka ba nag Grab? "
"Ano? Iiwan ko yung Kotse ko sa labas ng Airport? Pupunta tayong Cebu diba?? "
"Ay. Oo nga noh. Laaaaaah.. Sorry naman! " natatawang sabi ko kay Ken sabay angkla sa braso nito.
"Hindi ako late. Advance lang yang relo mo! " sabi nito sabay konyat sa akin.
"Aray!!! T*ng!na!! Ay sorry. Bad word. " sabi ko at natawa si Ken. Natawa din si Kuyang driver.
Pagdating namin sa airport, pinagtatawanan ko si Ken habang nauuna itong naglalakad.
Napalingon ito sa akin at nahuli niya akong nakatakip sa bibig.
"Bakit? "
"Wala po Doc. Hahahahaha.. "
Seryoso itong lumapit sa akin at tinitigan ako..
"Trip mo ako? "
"Oy. Hindi ah! " sabi ko sabay lakad ng mabilis. Sinundan naman niya ako.
"Bakit ka ba nag-short? Ano? Outing lang?? " bulong ni Ken habang nakapila kami.
"Bakit ba!!! Kesa naman mag white polo.. Nakanaaaaks.. Doc!! " asar ko dito sabay ayos sa kwelyo niya. Nakatitig na naman siya sa mata ko.. Naririnig ko yung paghinga niya. Nyeeetaaa.
Pagsakay namin sa airplane, agad na hinanap ni Ken yung seats namin.
"Gusto mo sa gilid ng bintana? " tanong nito.
"No. Ikaw na lang diyan Ken.. Oks na ako dito. " sabi ko sabay ayos ng upo.
"Matulog ka muna! Gisingin na lang kita pag nasa Cebu na tayo.
Nagising ako ng mapansin kong wala si Ken sa tabi.
"Nasaan yung ungas na yun? " bulong ko sa sarili.
Nakita ko na lang si Ken na may kausap sa phone, naglalakad pabalik sa tabi ko...
"Ok. Sige. Balitaan mo na lang ako.. Bye! " rinig kong sabi ni Ken bago niya ibaba ang phone.
BINABASA MO ANG
Head over Heels
Fanfiction"Deep love is seeing someone at their most vulnerable, often lowest point, and reaching out your hand to help them get back up. Because deep love is selfless..."