Ken's POVPaulit-ulit kong pinapanood ang #ThePoolShow Video ng Musical nila Amor dito sa Youtube..
Click.. Pause.. Click.. Pause..
Napangiti ako ng si Amor na ang kakanta.. Napasandal ako sa upuan at mariing ipinikit ang aking mga mata.. Her voice is such a gem. Yung talent niyang yan.. Alam ko, malayo ang mararating niya. Yung boses niyang yan. Ayan ang isa sa namimiss ko..
Her voice. Powerful!!! Kaya nitong magkipagpuyatan sa videokehan eh.. Pagod kana, siya .. Bumibirit pa..
Nahinto ang pakikinig ko ng tumunog ang phone ko.
"Hello Dad? "
"Oh? Akala ko ba magkasama tayong pupunta dun sa linggo? Bakit ako nalang? Kaya nga ako pumayag na pumunta dun kasi kasama ka eh.. Pero dad, masasayang lang oras ko ----hello!! Dad!! *lintik* binabaan ako ng phone.. "
Hinilot ko ang sentido ko at mabilis na inayos muli ang laptop at sinimulang panoorin ang video.
Lilac's POV
Sinigurado kong wala si Ken sa bahay nila. Tinawagan ko si Tita Vanessa.. Kailangan kong makausap si Tita regarding kay Ken.
"Lilac, ano bang sadya mo iha?? Emergency ba? "tanong ni Tita.
"Tita, nasabi na ba si Ken sa inyo yung about kay Amor? "
Nakita ko sa mga mata ni Tita ang pag aalala.
"Wa-wala pa siyang nasasabi iha. Bakit? Ano ba iyon? "
"Amor posted on her Instagram. After how many years, nagparamdam na ito.. And tinawagan nga ako ni Ken eh. "
Parang namutla si Tita Vanessa at napaupo sa sofa.
"Juskoo. Baka ano na naman ang mangyari sa anak ko.. "
"Pangako po Tita, hinding hindi na ulet mangyayari iyon kay Ken. Andito kami ni Kuya Jude for Ken.. Wag na po kayong mag alala.. "
3 years ago..
Ok pa si Ken eh. Parang wala lang sa kanya ang pag alis ni Amor.. Pinanindigan niyang hindi niya kailangan ng isang kaibigan na tulad nito..
Pero after 6 months, lasing na pumunta si Ken sa bahay namin ni Kuya.. Umiiyak ito.. Hawak hawak niya ang isang flashdrive...
"Na-nakita ko sa dating drawer ni Amor itong flashdrive. Lilac, ito. Ito yung naging dahilan ng lahat. Ang akala ko, binigay niya ito kay Mr. Samson. Pero hindi. Andito pa sa loob ang files. Lahat ng files. Pinagdudahan ko si Amor. Paano ko yun nagawa. Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko.. Kung.. Kung pinakinggan ko lang sana siya.. Kung hinayaan ko lang sana siya na magpaliwanag.. Wa-wala na si Amor. Wala na yung kaibigan ko.. Wala na. "
Sobrang wasted ni Ken ng gabing iyon. Hindi siya tumitigil sa pag-iyak.. I called Tita Vanessa at Tito Ben para maiuwi si Ken..
Isang linggong hindi pumasok si Ken sa ospital.. Ayaw niyang lumabas ng kwarto.. Naaawa ako sa Mommy at Daddy nito. Walang sino sa amin ang kinakausap nito.
BINABASA MO ANG
Head over Heels
Fanfiction"Deep love is seeing someone at their most vulnerable, often lowest point, and reaching out your hand to help them get back up. Because deep love is selfless..."