Diamond

609 30 7
                                    

Ken's POV

"Galingan mo sa pagpicture hah.." sabi ko kay Lilac.

"Oo na! Ito na nga! " napipilitang sabi nito.






*click*





"Oh!! Sabi sayo eh!! Hindi lang sa pag make up ako professional!!! Sa photography din!!! "



"Sus. Ang yabang talaga. Wag sana mamana ni Yuki yan sayo. " sabi ko at nakatanggap naman ako ng irap mula sa kanya.



Nagmadali na akong pumunta sa upuan ko sa bandang harapan.. Ilang minuto nalang kasi at magsisimula na ang Grand Opening ng Hotel nila Lilac.














@DoctorKenC : Where is the party tonight? 🌹

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


@DoctorKenC : Where is the party tonight? 🌹







Kumunot ang noo ko ng hindi ma-post ang picture ko..




Tumayo ako at lumapit kay Lilac..



"Look. Anong nangyari sa internet connection ng Hotel niyo??? Hindi ako makapagpost! "



"Maliit na bagay, pinoproblema mo! Pinapatawa mo ako Ken!! "




"Tss.. Akin na nga yang Inaanak ko!!! Pampatanggal ng badvibes! " sabi ko sabay kuha kay Yuki na kalong-kalong ni Lilac..




"Hey Little Yuki Boy!!! Kamusta na yan ha?? Miss mo si Ninong??? " natatawa ako ng parang nagsasalita ito.. Puro "oooh. Oooh. " lang naririnig ko .. Bumalik ako sa upuan ko at pinatayo ko si Yuki sa lap ko.. Nilalaro ko si Yuki..






Lumapit si Lilac sa Table ko kasama ang asawa nito..



"Magsisimula na Ken.. "



Napatingin ako sa stage... Umaykat na si Ninong James para magsalita..


"Baka umiyak si Yuki sayo Ken. "



"Tss. Ano ba, hindi yan!! Gustong gusto nga niya sa Ninong niya eh.. Diba Yuki Boy?? "


"Bahala ka. Pag yan, umiyak talaga!!! " natawa ako sa mukha ni Lilac. Naasar na ito sa akin.


"Elmer, wag mo ngang patulugin sa kwarto niyo yang si Lilac.. " natawa si Elmer. Hindi naman kasi nito naiintindihan yung sinabi ko. Pure Japanese kasi si Elmer.


Pinandilatan ako ng mata ni Lilac 😂






Amor's POV


Mag kakalahating oras na akong naka stand by dito sa backstage.. Ang tagal naman kasi mag speech nung CEO..


"Diego, kakanta pa ba ako?  Ang tagal naman magsalita nun! " naiiritang sabi ko.


"Sus. Gutom ka lang eh. " natatawang sabi nito.



Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon