Amor's POV
Kanina pa ako pabalik-balik ng tingin sa orasan. Malapit na kasing mag 2pm..
1:45 pm ng biglang tumayo si Ken sa upuan niya. Seryoso itong inaayos ang bag niya at ipinasok niya dito ang laptop.. Mabilis itong lumabas ng office..
"Anika, mag start na yata ang meeting? " tanong ko ..
"2pm pa po Ms. Amor.. Naghahanda lang po yun si Sir Ken.. Maya-maya sunod na tayo. "
"Isa pang Ms.Amor mo, siksikmuraan kita!!! Charrrroot. Hahahah. Amor na lang kasi! " sabi ko dito at natawa siya.
"Kasi naman Ms.A-- ay mean, Amor... Nahihiya akong tawagin ka sa pangalan lang lalo na't alam kong kaibigan ka ni Sir Ken.. "
"Oh, kaibigan niya nga lang naman ako ah. Tsaka mo na lang akong tawagin na Ms. Amor pag Girlfriend na ako ni Ken! Jokeeeee!! " biro ko ulet at natawa ako sa reaksyon niya.
"So may gusto ka po kay Doc Ken?? "
"Hooy. Wala no!!! Baka lalong magkagulo ang mundo pag naging kami nun! " sabi ko sabay irap.
"Sus. Halata ko namang gusto mo si Sir Ken eh!! Ayiiiiie!! "
"Tumigil ka nga diyan. Baka marinig ka nung ungas na yun, baka umasa yun. Tsk. Tsk. "
"Hala. "
"Nag promise kami sa isa't-isa na kapag may na-fall ni-isa sa amin, friendship over na talaga. "
"Kanino naman kayo nagpromise? "
"Sa isa't-isa nga diba?? " pambabara ko dito.
"Sus. Akala ko naman sa harap ng Diyos or sa harap ng abogado. Hindi naman pala legit yung promise niyo sa isa't-isa eh, may pirmahan bang naganap sa inyong dalawa?? Wala naman diba? So pwede!!! Walang kulong. Walang makakasuhan. Walang magkakasala sa Diyos. "
"Hoy Anika! Wag mo dinadamay ang Diyos hah!! Ikaw talaga!! Ma-ipush lang talaga kami eh. Masaya ka diyan?? " pagtataray ko dito.
"Oo. Masaya ako. Hahahahahah. Ayiiiieee.. AMORKEN Shipper ako eh!!! Wohooo. "
"Kakasigaw mo diyan, mapaanak ka ng di oras!! "
"Oy, eto naman. Mag bbehave na nga eh. "
"Akala ko ba naman kung sinong Maria Clara, ang ingay pala!! " sabi ko sabay tayo at inayos na yung dadalhin kong susulatan para sa meeting.
"Aysus. Wag ibahin ang topic. "
"Naku. Mag prepare ka na diyan, punta na tayo sa conference room. "
"Hindi ako kasama! " sagot nito. Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Joke!!! Hahahaha. Eto na oh.. Ready na ako!! "
Pagpasok namin sa Conference room, may tatlong tao na dun..
Si Ken at yung dalawang manager..
Nauna maglakad si Anika at sumunod lang ako sa kanya..
Nagulat ako ng pinaupo ako ni Anika sa gilid ni Ken. Tatanggihan ko sana kaso bigla ng dumating ang Daddy ni Ken..
BINABASA MO ANG
Head over Heels
Fanfiction"Deep love is seeing someone at their most vulnerable, often lowest point, and reaching out your hand to help them get back up. Because deep love is selfless..."