Wait

644 21 3
                                    

Ken's POV

Tama si Lilac. Kailangan kong mag vacation leave para naman makahinga sa mga nangyayari sa buhay ko.. Baka makaapekto pa ito sa trabaho..

After ng pagkikita namin ni Amor kahapon sa hospital, hindi na naman ako mapakali...

Bakit iniisip niya na bagay kami ni Julie???







--Lilac calling.. -

"Ooooh?? " inis na sagot ko sa phone.


"Init ulo Ken Chan?? Hahahah.. May ibabalita lang ako sayo. I hope, makatulong. "



"Siguraduhin mong makakatulong yan. Iniistorbo mo yung pag pi-paint ko.. Nandito ako sa art room. "




"Oooh.. Ayaw mo yata ng ibabalita ko eh.. Bahala ka.. "

"Speak. "




"Well.. Hmmm. Nabalitaan ko lang naman na aalis na si Amor ng Philippines.. Tomorrow morning ang flight niya papuntang Malaysia..."




Bigla akong kinabahan. Aalis na naman siya? Iiwan na naman niya ako??






"Give me her Address. Now. "

"Sorry. Ayan ang hindi ko alam.. "



Napahilamos ako ng mukha..




"Bigay mo sa akin lahat ng informations para sa flight niya bukas.. "

"Paano kung ayaw ko?? "




"Hindi ko sasagutin yung 500 plates para sa birthday ni Yuki. Bahala ka magbayad dun. "



"Ito na. Email ko sayo. Asap. " mabilis na sabi nito at natawa ako..








Amor's POV

MASYADO akong napaaga dito sa airport.. Inip akong nakaupo sa isang bench para anatayin si Diego at Sab..



"Ingat Amor Girl!! "  Marika texted me. Sweet nito always..

Napangiti ako. Kahit sobrang daming rason para iwan ko ang bansang ito, alam ko.. Babalik at babalik parin ako .. Lalo na at may tulad ni Marika at Nanay na nag aantay sa akin..



Napatingin ako sa relo ko.. 6:30am na, wala parin yung dalawa!! Tsss..







"Amor!! "

"Grabe. Kanina pa ako dito. Bakit ang tagal niyo?" reklamo ko.



"Bumili pa kasi kami ng kape. Itong sayo ohh. " napatingin ako sa kape..


"Blonde Caffe Americano... Paano niyo nalaman na favorite ko to? " tanong ko sa kanila.. Nagkatinginan sila.. Kumunot ang noo ko..



"Favorite mo pala to? Sakto!!! Wala kasi kami mapili para sayo eh.. " sabi ni Sab..



Kinuha ko ang kape at natawang ininom ito..




"Ano? Diyan na lang kayo?? Tara na!! " sabi ko sabay lakad..







Papunta na kami nila Sab sa seat namin sa eroplano..


"Magkatabi tayo Amor.. Hiwalay si Sab.. " mahinang sabi ni Diego..



"Bakit di magkakatabi seats natin? Si Alfritz umayos dito diba? "



"Hindi ko nga alam eh. Pero ok lang daw kay Sab.. Basta sabay sabay tayo makarating doon."



Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon