Ken's POV
MAG ISA lang ako dito sa office. 9am na pero wala parin akong tulog mula ng bumalik ako ng Manila galing Davao... Hindi ako makapag out dahil sa dalawang mommy na binabantayan ko..
Seryoso akong napatingin sa phone ko.. Hindi pa talaga nag rereply si Amor... Naka ilang text at tawag na ako sa kanya pero wala paring reply..
Napansin kong paparating si Dra. Lily..
"Ken? Saan ka ba galing? Nag out ka na ba? "
Umiling ako.
"Galing akong Davao, nagka emergency kasi.. Kanina pang 6am ako nakarating dito.."
"Oh.. Hinahanap ka ni Amor kagabi.. Hindi ka daw niya macontact. "
"Naiwan ko yung phone ko dito sa office.. Huli ko ng namalayan na wala akong phone na dala.. Hindi ko na update si Amor eh. Susunduin ko sana siya kagabi.. Nawala talaga sa isip ko.. " nakokonsensya kong sabi.
"Seriously? Nakalimutan mo Girlfriend mo? Goodluck!!! " nang aasar na sabi nito.
Napailing ako.
"Ken, advice lang... Hindi mo na lang best friend si Amor hah. Girlfriend mo na siya. " sabi ni Dra Lily at lumabas na ito sa office ko.
Napasabunot ako ng buhok ko sabay tingin ng oras sa relo.
Amor's POV
NAPABANGON ako sa kama ng makaramdam akong mainit sa pisngi ko..
"Hooy , ano ba!! " inis na, sigaw ko kay Marika.. Natatawa itong nakatingin sa akin at sa two boxes ng pizza na hawak niyang dinikit sa pisngi ko..
"Good Morning friend kong mukhang sawi. Anyare? At bakit may nagpadeliver ng pizza sayo??? " tanong nito sabay bigay ng dalawang boxes sa akin.
"Hindi ako nagpadeliver ng pizza!! " sabi ko dito.
"Gaga! Symepre hindi ikaw ang nagpadeliver nito. Makakapagpadeliver ka ba ng natutulog? Tsss. May nagpadala lang.. "
Binuksan ko naman ang box. Hawaiian Pizza 💖 Mabilis kong kinuha ang maliit na papel sa gilid nito.
"Sorry. "
Mabilis kong tinakpan ang pizza at binigay kay Marika.
"Diet ako " sabi ko dito sabay baba sa kama..
"Kanino to galing?? Kay Ken? Bakit daw? "
"Hindi ko alam kung kanino galing eh. "
Biglang hinablot ni Marika ang maliit na papel na hawak ko.
"sorry. "
"Nag away kayo? "
Hindi ako kumibo
"Nag checheat ba siya?? May kabit? Pinagpalit ka? "
"OA naman Marika!! Hindi ganun si Ken noh!! "
"Hindi naman pala eh. Kung makaarte ka naman!!! Teenager lang te?"
"Sinong hindi maiinis. Nangako siyang susunduin niya ako pero inindian ako. Nakipag party yata. Tapos hindi na ma contact!!! Nakakainis kaya!! "
BINABASA MO ANG
Head over Heels
Fanfic"Deep love is seeing someone at their most vulnerable, often lowest point, and reaching out your hand to help them get back up. Because deep love is selfless..."