Beg

623 25 2
                                    

Amor's POV


Nagpasama ako kay Marika sa Tenement...


"Ano bang gagawin natin dito? " pagtataka ni Marika.





"Gusto ko lang magpaalam ng tuluyan sa tenement. Hindi ko kasi ito nagawa noon. " sabi ko..



"Ano? Praning ka na ba Amor?? "



"Siguro nga. " natatawang sabi ko.



"Ito na ba ang huling sulyap mo sa Tenement?? "



"Oo. Kailangan eh.. Kailangan ng burahin lahat ng memories sa lugar na ito.. "




"Ang drama. "



"Ganun talaga Marika.. Part ng moving on."




"Wow!! "


"Bilisan mo na lang maglakad.. " sabi ko dito..





Umakyat kami sa rooftop ng tenement.. Hindi ko ininda ang napakatinding init..




"Amor? "




Nagulat ako ng makita ko si Ken na nakatayo din sa rooftop.


Anong ginagawa niya dito?????



"Oh my Gosh, friend!! Sinusundan ka ba niya?" sabi ni Marika sabay tapik sa akin.






Hindi na ako sumagot. Hinigit ko si Marika pababa ng hagdan.. Ayoko siyang makausap..



"Amor! Sandali! " sigaw nito.. Halatang humahabol ito.





Huminto ako ng nasa 5th floor na kami. Hinarap ko si Ken.. Humahangos itong nakahawak sa dibdib niya..




"Teka lang. Bakit ka tumakbo? " tanong nito.





"Uuwi na kami. " mataray na sabi ko dito.





"Nakakatuwa lang na pumupunta ka pa pala dito Amor?? " nakangiting sabi nito.




"Sinamahan ko lang si Marika magbayad sa utang niya kay Ate Chona. " pagsisinungaling ko.





"Bakit di mo sinasagot mga tawag ko?  Siguro naman, pwede na tayo mag usap? Mukhang hindi ka na busy. "




"May pupuntahan pa kami ni Marika.. " sabi ko at siniko ko si Marika.. Tumango naman ito bilang pag sang-ayon.






"Iniiwasan mo ba ako Amor?? "




"Hindi ba obvious?? "




Napayuko ito.




"Natatakot ka na ba sa akin? " seryosong tanong nito na ikinabigla ko..







Iniwas ko ang tingin ko at hinila na si Marika..




"Amor. Kailan ka pwedeng makausap?? Sige na naman oh.. " pagmamakaawang sabi nito.. Ken Chan? Kailan ka pa natututong magmakaawa?






"Pwede ba! Wag mo na kaming susundan! "




"Amor!! "



"Wag ka mag eskandalo dito sa tenement! "



"Hindi ako nag eeskandalo! Gusto lang talaga kitang makausap."



"Wala akong pera pampautang sayo." inis na sabi ko..





Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon