Amor's POV
Tagaktak na ang pawis ko habang naglalakad pabalik ng bahay.. Galing akong Cityhall para mag solicit... Bukas na kasi gaganapin ang "Taos sa Puso" event ko. Yearly, ginagawa ko na ang pagbibigay ng simpleng regalo para sa mga ulila sa Don Alfonso Orphanage dito lang sa Taguig. Kaso this year, hindi ko ito masyadong napaghandaan dahil nga sa biglaang work ko sa ospital nila Ken.. Kaya ito ako ngayon, nagkukumahog kung saan makakakuha ng budget para sa event bukas..
I texted Yuri, ang president ng Favor Organization , kasama ko sila sa paghahanada para sa event bukas..
"Ok Amor. Ako ng bahala sa mga gifts. Kasya na yun sa budget. Problema na lang is yung foods. "
Napapikit ako. Hawak ko ang sobre na galing sa cityhall. Two thousand pesos. Anong pagkain ang mabibili ko dito? Para sa 100 na mga bata sa orphanage, kulang to. Dali dali akong pumasok sa kwarto at kinuha sa ilalim ng kama ko yung box kung saan ako nagtatago ng ipon ko.. Kinuha ko yung three thousand pesos.
"Makakatiis pa naman siguro yung sinusitis ko kung di ako makabili ng gamot this month noh? " bulong ko sa sarili sabay pasok ng Three thousand sa loob ng sobre..
Nakatitig ako sa phone ko. Naka ilang missed calls na kasi si Ken. Hindi ko masagot-sagot. At hindi ko mareplyan. Nag Emergency leave kasi ako para maasikaso ko ito ngayon. Ang laki kong shunga diba? Text ko sa HR is emergency leave. For sure nagtanong na to sa HR kung bakit wala ako.. Nag aalala na to for sure.
Papalabas na sana ako ulet sa bahay ng bumungad sa akin ang pawisan na si Ken.
"Ken?! Bakit ka nandito? "
"Emergency leave? Bakit? Tsaka hindi mo sinasagot mga tawag ko!!! Pinag aalala mo ako!! " galit na sabi nito.
"Sorry. " nahihiyang sabi ko.
"Napaano ka ba? Si Tita? Anong emergency? " sunod sunod na tanong nito.
"Ok ako. Ok si Nanay. Sorry. May nilalakad kasi ako.. " nahihiyang sabi ko..
"Gaano ba ka-importante yan?" sabi nito. Napansin niya yung dala kong sobre. Nagulat ako ng kunin niya ito. Binasa niya ng solicitation letter.
"Nanghihingi ka ng tulong sa CityHall? Alam mo namang sobrang haba ng pila dun diba??? Tsaka bukas na pala yung annual event niyo sa orphanage! Bakit di mo sinabi? Bakit di ka na lang humingi ng tulong sa akin?? "
"Ano ka ba. Kaya ko na to. Tsaka nahihiya na ako sayo.. Ang laki na ng tinulong mo last year.. Ok na yun. Salamat. " nahihiyang sabi ko.
"Tsk. Amor. Willing naman akong tumulong sa inyo eh. Tsaka choice ko yun. Diba sabi ko last year, gusto ko mag sponsor sa mga charity events niyo ng Favor Organization! Hindi mo naman ako na update kung kailan niyo gaganapin yun this year. Bukas na pala. Ano pa bang matutulong ko?? "
"Ken, wag na.. "
"Tutulong ako. Ano nga kasi? "
"Ken, ok na. Kumpleto na. Salamat na lang.. "
Nakatitig lang si Ken sa akin after ko i-reject yung tulong nito.
"Fine. Sige, i have to go. " malamig na tonong sabi nito sabay alis..
Yung totoo niyan. Problemado pa nga ako sa Foods. Hindi ko alam kung kakasya ba yung budget ko.. Oorder nalang ba sa fastfood or papaluto.
BINABASA MO ANG
Head over Heels
Fanfic"Deep love is seeing someone at their most vulnerable, often lowest point, and reaching out your hand to help them get back up. Because deep love is selfless..."