Amor's POV
Hindi ko sukat akalain na dadating yung time na magigising ako isang umaga, mukha agad ni Ken yung makikita ako.. Nakangiti akong nakatitig sa mukha niya..
Siniksik ko pa ang mukha ko sa dibdib niya. Naramdaman kong nagising ito at inayos niya ang ulo ko sa dibdib niya.. Niyayakap niya ako ng mahigpit.
"10am, may meeting ako with Anniversary Organizer.. What time na ba? " tanong nito pero nakapikit parin.
Sinilip ko ang wallclock sa gilid ng bintana.
"9am .."
Sabay kaming napabalikwas ng tayo ni Ken at nag unahang pumasok sa CR..
"Girlfriend first!! " babala ko sa kanya at pinadaan na niya ako sa pinto..
"Pwede namang sabay tayo eh! " rinig kong sigaw ni Ken mula sa labas ng CR..
"Tumahimik ka diyan Ken Chan!! " sigaw ko at nagsimula na akong maligo..
After 10 minutes, naabutan kong nakasimangot na nakaupo si Ken sa kama. Inip na kasing nag aantay sa akin to.
"Ang tagal. "
"Ang bilis ko nga lang eh! 10 minutes nga lang ako! Wala yun sa 1hr na ligo ko talaga!! " sabi ko sabay hagis sa kanya ng isang tuyong towel na kinuha ko sa CR.
"Ikaw na lang magpaligo sa akin. " sabi ni Ken
"Umayos ka! Ibabato ko sayo tong suklay ko. "
Tumatawa itong pumasok sa CR..
Sakay ng kotse ni Ken, dumaan muna kami sa drive thru para bumili ng breakfast.
"10am na Ken. Late kana sa meeting. "
"Late na TAYO sa meeting. "
"Anong tayo? Bakit kasama ako? "
"Magpeperform ka sa Anniversary party namin. "
"Ah. Kaya mo pala ako niligawan para makapagperform sa Party niyo. Ang galing. "
"Oy, hindi hah!! Bago pa kita ligawan, request ka na ni Julie na maging performer.."
"Si Julie? Siya kameeting mo? I mean, natin?? "
"Oh. Selos ka naman agad. " natatawang sabi nito sabay pisil sa ilong ko.
"Gago to. Hindi no! Nahihiya lang ako kay Julie. "
"Tsss. Ok lang yan. "
"Sino na bang nasabihan mo na girlfriend mo na ako since last night nung sinagot kita? "
"Wala pa. Ikaw ba? "
"Wala pa rin. "
"Sabihin na ba natin mamaya? " tanong ni Ken sabay kuha ng kamay ko para iholding hand..
"Wag na lang muna. Hayaan na lang natin silang magtanong. "
"Ok. Ikaw bahala. "
Pagpasok namin sa conference room nila Ken dito sa hospital, lahat ng kameeting nila is nakatingin sa akin.
"Good Morning po !" bati ko sabay upo sa tabi ni Ken.
BINABASA MO ANG
Head over Heels
Fanfiction"Deep love is seeing someone at their most vulnerable, often lowest point, and reaching out your hand to help them get back up. Because deep love is selfless..."