Amor's POV
First day ko ngayon.. 5am palang gising na ako.. Kinakabahan ako na natatae na hindi ko maintindihan.. Diba dapat chill lang ako kasi si Ken naman yung magiging boss ko? Haaaayss..
"Ken, First day ko ngayon. " text ko kay Ken kaso wala paring reply..
"Hoooy!! Kinakabahan ako!! "
Wala paring reply. Haaays..
"Hello po Ms.Amor? Anika nga po pala!! " sabi ng magandang buntis at nakipagshake hand sa akin.
"Ay. Hello din! " nakangiting bati ko.
"Ako nga po pala yung mag ttrain sa inyo.. "
"Ikaw yung secretary ni Ken? I mean ni Doc Ken? "
"Ay. Opo!"
"Ganda mo namang buntis! "
"Salamat po. Hehe. Ikaw din, maganda ka! "
"Ay. Syempre!" proud kong sabi at natawa ito.
"Tara na po, punta na tayo sa office ni Doc. "
Pag pasok namin sa office ni Ken, wala ito dito. Baka may pasyente na agad. Kaloka. 7am palang hah!
Habang tinuturuan ako ni Anika, inaantay ko naman si Ken na pumasok dito sa office niya pero mag la-lunch nalang, di pa ito nagpapakita.
"Tanong ko lang, pumasok ba ngayon si Doc Ken? "
"Ay. Hindi po. Nasa seminar po siya sa Surigao. Pero bukas po, andito na siya. "
Ah. Kaya pala. Nag out of town ang dimunyuuuu.
"Ms. Amor, bukas po.. Sama po tayo sa meeting ni Doc Ken sa conference.. Simple lang po gagawin mo dun, mag take notes ka lang para if ever na may makalimutan si Doc sa mga napag usapan, sayo siya magtatanong. Ang pinakamahalaga kung ginagawa dito is yung pag arrange ng schedule niya. "
"Ah. Ok. Sige sige. "
"Diba po, friend ka ni Doc Ken? "
"Paano mo nalaman? "
"Sinabi niya. "
"Close ba kayo ni Doc Ken? Naku. Bakanaman siya ang tatay niyan hah! " pagbibiro ko sabay turo sa tiyan niya. Namula ito at parang nahiya.
"Naku. Hindi po. May asawa na po ako. " natatawang sabi nito.
"Ok. Para clear sa akin. Hahahahah. " biro at natawa din ito.
"Ilang babae na dinala ni Ken dito? " curious na tanong ko.
"Wala pa po. "
"Yung totoo. " pagbabanta ko.
"Siya nalang po tanungin niyo. "
"Hahaha.. Sabi niya wala. Pero di ako naniniwala. " sabi ko
"Si Doc Ken, magaling na doctor yan eh. Ang hilig hilig pang tumulong sa mga charity. Idol nga yan ng lahat dito eh. "
"Ayan naman talaga yung ikakaproud ko diyan sa friend ko. Ang buti ng puso. "
"Ay sige na Ms. Amor, lunch break na. May pupuntahan kasi ako, di kita masasabayang kumain. " sabi nito.
"Oks lang. " sabi ko sabay labas ng phone para i-check kung nagreply na yung ungas pero wala parin.
BINABASA MO ANG
Head over Heels
Fanfiction"Deep love is seeing someone at their most vulnerable, often lowest point, and reaching out your hand to help them get back up. Because deep love is selfless..."