Condo

848 26 2
                                    

Amor POV

Hiniwa ko ang blueberry cheesecake ng dahan dahan. Favorite ko talaga tong cheesecake na to!!! Tutusukin ko na sana gamit ang tinidor ng may lalaking kumuha ng cheesecake at sinubo ito.. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya..

"Oh? Bakit ka nandito? Diba dapat nandoon ka sa exhibit mo?! Alis ka nga! " mahinang sabi ko dito..

"Tapos na yung exhibit.. " sabi nito sabay inom sa frappe ko..

"Ano ba! Akin yan. Binili ko yan. Bumili ka nga ng sayo!! Ang mahal mahal nito tapos makikisipsip ka lang! " inis na sabi ko..

Tumawa ito. Nilapag niya yung phone niya sa mesa at nilaro-laro ang screen nito.

"Wag mo nga akong niloloko. Kakarating ko lang dito sa Coffee shop. Umalis ako ng building kung saan ka mag eexhibit ng hindi pa ito nagsisimula.. Ano yun? Opening remarks kalang? Hindi pa yun tapos!! Sus, nakita mo lang yung ex mong tangkay at jowa niyang fafable.. " sabi ko at nagulat ito.

"Na-nakita mo siya?" gulat na tanong nito.


"Oo! Muntik ko ngang sabunutan kaso nakalimutan ko, katabi pala ng building niyo yung barangay hall. Baka ma-barangay pa ako. Mag ka hit pa ako sa NBI Certificate ko. Tsss.. "sabi ko habang inuubos yung cheesecake..

"Invited naman sila eh. Ikaw lang ang hindi. " pang aasar nito.

"Akala ko ba naka move on kana dun kay Tangkay? " tanong ko dito.

"Carina ang name niya. Hindi tangkay. Tsaka.. Ang tagal tagal na nun. Wala na nga! "

"Sus. Eh bakit nandito ka? Di mo sila kayang makita ng magkasama?? "




"Sinundan kita. " sabi nito.

"Wag ka mag alala. Wala akong binabalak na guluhin ang exhibit mo. At wala pa akong balak na basagin ulet yung salamin ng kotse mo. "



"Oh. Wala akong sinasabi! " pa-inosenteng sabi nito.


"Ang panget nga ng exhibit mo! Walang jowable. " sabi ko at natawa ito.

"Tigilan mo ako sa paghahanap mo ng lalaki. "

"Bakit ba? Angalang ikaw lang yung pwedeng maghanap ng jojowain? Ano? Forever thirdwheel ako? Forever na taga payo pag nasasaktan ka? Di pwedeng ikaw naman ang magpayo pag na-heart broken ako?! Tsss. "

"Ano ba! Ang OA mo Amor! Tsaka, nakailang cheesecake ka na ah? Sabi ko sayo, palaki ka na ng palaki! " pang aasar nito.

"Bakit ba? Eh nagugutom ako eh. Hindi ako nakapag almusal ng maayos dahil ang aga agang may session ng tong-its ang Nanay sa bahay kanina. Tsss.. "




"Kaya naman pala ang init ng ulo mo ! "

"Oh ano? Di ka pa aalis? " pagtataray ko dito.

"Hindi pa. Wala naman akong pasok ngayon eh. "

"Oh. Tara na. May tatlong token ako dito.. Kakanta lang ako sa videoke! Sasama ka?"

"Tatlo lang talaga token mo? " natatawang sabi nito.

"Oo. May problema ba?" tanong ko dito habang inaayos ang bra ko..


Nagulat ako ng hatakin niya ako palabas ng coffee shop..

"Aray!! Oa huh! " inis na sabi ko.



"Tara na. "

"Wala ka bang balak dagdagan yung token ko? " tanong ko dito at umiling ito..



Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon