Amor's POV
Naalimpungatan ako. Paggising ko, kinuha ko agad yung phone ko para i-check kung anong oras na.
2am palang pala. Pagtingin ko kay Ken, wala ito sa kama. Tumayo ako at kumatok sa CR.. Pero hindi naman ito naka-lock kaya pumasok na ako. Wala ito dito.
"Nasaan siya? "
Lumabas ako ng room at dahan-dahang bumaba sa sala.
Nakita ko si Ken na mahimbing na natutulog sa sofa..
"Huh? Bakit dito siya natulog?? " napahawak ako sa bibig ko.
"Shocks!!! Baka nga humihilik ako kanina habang tulog.. "
"Ehdi Sorry! " malditang sabi ko kay Ken. Pero hindi naman niya naririnig kasi tulog nga. Para akong tanga na nagsasalita mag-isa. I flip my hair at mabilis na bumalik sa room para matulog.
Ken's POV
HINDI ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit... Napatingin ako sa katabi ko, ang himbing na ng tulog.. Nakaharap ito sa akin kaya kitang kita ko ang mukha nito.. Napangiti ako.. Mukha siyang anghel pag tulog.. Pag tulog lang ah!!
Nanlaki ang mata ko ng tandayan niya ako. Inilagay lang naman niya ang isang hita niya sa akin.. Napalunok ako.. Dahan-dahan kong inaalis ang hita niya.. Pagkabalik ko sa dati niyang posisyon, bigla akong tumayo.. Umiiling akong nakatingin kay Amor. Napahawak ako sa dibdib ko.. Hindi ko alam bakit ako kinakabahan.. Napasabunot ako sa buhok ko at agad na kumuha ng isang unan at kumot.. Mabilis akong bumaba sa sala at nagdesisyon na sa sofa na lang matulog...
Kinabukasan, maaga akong nagising. Pagpunta ko sa kusina para magluto ng breakfast, naabutan ko si Amor na nagpiprito ng itlog.
"Aba. Ang aga natin ah?? " natatawang sabi ko.
"Kailangan eh. Nakakahiya naman sayo Boss kung mas nauna ka pang magising.. " sabi nito sabay kuha ng cup para gumawa ng kape.
"No sugar sa akin hah. " paalala ko kay Amor.
"Alam ko! Kaya nga asin ang ilalagay ko eh"
"Talaga nga naman. Lalasunin pa ako! "
"Asin? Nakakalason?? Laaaah? Antok ka pa?? "
Umupo ako at kinuha ang kape para tulungan siyang magtimpla.
"Bakit sa sofa ka natulog? Pasensya na kung humilik nga ako kagabi. " sabi nito
Natawa ako. So iniisip niya na humilik siya kaya ako lumipat ng sofa?
"Bilisan na lang natin kumain para maaga tayong makapunta ng CityHall. "
Bago kami pumunta ng CityHall, dumaan muna kami sa kabilang kanto para magpaCarwash..
"Pormal na pormal tayo ngayon ah? " biro ko kay Amor. Naka coat kasi ito ng Gray.
"Bakit ba! Eh Cityhall ang punta natin eh.. Nakakahiya baka masalubong pa natin yung Mayor nila dun! "
Napailing ako at napangiti.
Pagdating namin sa Cityhall, agad kaming tinuro ng guard na sa 2nd floor daw ang office ng Building Engineering Dept.
Amor's POV
Inip na nakaupo si Ken sa gilid ng Engineering office. Kanina pa kao nakatingin sa kanya.. Hindi ko alam kung matatawa ba ako or maawa.. Kanina pa kasi yung meeting ng Head ng Engineering department sa loob, hindi tuloy namin makausap..
BINABASA MO ANG
Head over Heels
Fanfiction"Deep love is seeing someone at their most vulnerable, often lowest point, and reaching out your hand to help them get back up. Because deep love is selfless..."