Amor's POV
Monday morning.. Maaga akong gumising.. Uuwi kasi ako sa bahay namin sa QC.
"Marika, diba aalis ka din? Sabay na tayo! "
Napansin ko ang isang text message na nagregister sa phone ko.
"Hi Amor. Pwede ba tayo mag usap? I have something to tell you. "
"This is Ken. "
Nilapag ko ang phone ko sa mesa at tinakpan ko ng plato.
"Oh?? Bakit nakabaliktad yung plato??" gulat na tanong ni Marika.
Nakatulala akong tumingin sa kanya..
"Ok ka lang Amor?? "
"Mauna na ako sayo Marika.." sabi ko sabay kuha ng phone ko at tuluyan ng lumabas ng unit niya..
Nakasakay ako sa taxi papuntang bahay.. Dala dala ko pa yung bag na binili ko para kay Mama.
Bigla na naman akong kinabahan ng tumawag ang number na nagtext kanina.. Ken? Ikaw ba talaga to??
"Hello?? "
"Amor.. " pangalan ko pa lang ang binabanggit niya, alam na alam na ng puso ko na si Ken ito.. Ano na naman ba ang kailangan niya.
"Paano mo nalaman number ko? " masungit na tanong ko.
"Sorry. Hiningi ko kay Lilac. "
Ayeeern.
"Anong pag uusapan natin? "
"Ayoko sana over the phone. Pwede ba tayo magkita? Sa---"
"Wala akong free time. Pasensya na. " sabi ko sabay end ng call.
Kalma self. Si Ken Chan lang yun.
Pagdating ko ng bahay, sabik kong niyakap si Nanay..
"Naaaay!! Sinigang ko?? "
"Ayun.. Luto na. Nasa kusina.. "
"Nay, ito na yung bag. "
"Salamat Anak hah!"
"Nay, may sasabihin sana ako. "
"Juskoo Anak, wag ka muna mag aasawa hah!"
"Nay, hindi!! " natatawang sabi ko.
"Ano ba yun?? "
"Nakita ko si Ken sa Cebu.. "
Napatingin si Nanay sa akin.
"Alam ko namang iniwasan mo siya anak diba? Alam kong hindi mo pa nakakalimutan ang ginawa ni Ken sayo.. "
"Oo Nay. " nakayuko kong tugon.
"Hanggat kaya mong lumayo sa kanya at sa pamilya niya. Gawin mo anak.. Ayokong mapahamak ka na naman ng dahil sa kanila."
Naiintindihan ko kung bakit ganito si Nanay kay Ken. Alam kong nagalit din ito.. Nananataling sariwa sa kanya ang lahat ng nangyari sa amin at sa buhay namin noon.
BINABASA MO ANG
Head over Heels
Fanfiction"Deep love is seeing someone at their most vulnerable, often lowest point, and reaching out your hand to help them get back up. Because deep love is selfless..."