Ken's POVNagmadali kong kinapa ang phone ko sa bulsa ng maramdaman kong umiinit ito.
"Tsk. Naka on yung data!!! Napindot ko yata.. Tss.. " bulong ko. Napakunot ang noo ko ng may sunod sunod na nag message sa akin sa Instagram, Messenger at Twitter? Ano meron?
Pag open ko ng Instagram..
"Shit!!! " biglang sigaw ko ng dumulas ang phone ko at nahulog sa sahig. Mabilis ko itong pinulot..
"Ken? Are you ok?? " tanong ni Daddy. Napatingin ako kay Dad at kay Sir Garry na napahinto sa pag didiscuss sa harap. Nasa meeting kasi kami ngayon dito sa Hospital.
"Sorry. Please continue. " sabi ko sabay lagay ng phone ko sa bulsa.
Napailing ako.
"Is that Amor? " bulong ko sa sarili. Hindi na ako nakapag focus sa pakikinig sa discussion ni Sir Garry about sa Financial Report nito..
"After 3 years? "
"Saang panig ng mundo ba siya nanggaling.. Tss. " may inis sa tono na sabi ko.. Hindi ko na tinapos ang report ni Sir Garry. Nagpaalam ako sa kanila at bumalik sa office ko.
Pagpasok ko sa Office, sinalubong ako ni Annika. Dala dala niya ang ilang papel..
"Doc. "
"Later. Lamabas ka muna." sabi ko at dumiretso ako sa table ko..
Lumabas naman ito at naiwan akong mag isa.
Napahilamos ako sa mukha ko ng makita ang tambak na mga papel dito sa table ko.
Sinimulan ko ng isa-isahin ang mga data ng mga patients ko.. Pero wala talaga ako sa focus ngayon..
"Ano ba!!! Hanggang ngayon parin ba, distraction ka parin???! " sigaw ko pero walang nakakarinig. Hindi niya naririnig.
"Dapat hindi ka na bumalik. " mahinang bulong ko..
Inilabas ko ang phone ko at binasa ang message ni Carina sa messenger ko.
"Psst? Nakita mo na post ni Amor? Nasa IG bebe. " message nito.
"Talagang tinadtad niyo ako ng message ." reply ko dito.
Napatingin ako sa orasan sa dingding.
3pm.
Kinuha ko ang gamit ko at mabilis na umalis ng hospital.
Amor's POV
Nasa balcony ako ng unit ni Diego, co-actor ko sa Musical.. Nakadungaw sa ibaba.. Nasa 24th floor kasi kami..
"Gusto ko na mag sky diving talaga!!! " naiiyak na sabi ko..
"Edi tumalon ka na diyan! " mataray na sabi ni Diego.
"Bakla ka!! Papatayin mo yata ako eh.. Hmmp.. Pero tuloy ba tayo sa Dubai?? "
"Ayaw nila eh. Tayo na lang! Tsaka sabihan mo yang si Marika.. Sumama siya sa atin!! Mukhang Japan ang gusto eh! "
"Bakit kasi out of the country. Pwede naman tayong mag La Union! Or Vigan! Or beach na lang tayo! " sabi ko.
"Basta. After ng run ng Musical... Dapat matuloy yan hah!! "
BINABASA MO ANG
Head over Heels
Fanfiction"Deep love is seeing someone at their most vulnerable, often lowest point, and reaching out your hand to help them get back up. Because deep love is selfless..."