Fresh

620 23 6
                                    

Amor's POV

Nakatingin lang ako kay Ken na natutulog sa sofa sa gilid ng kama... Pagtingin ko sa orasan, 9am na pala.. Dito na ako natulog sa kama ni Ken sa room niya.. Hindi na pala ako nakabalik sa room namin, for sure hinahanap na ako nung dalawa.

"Bakit ang fresh? Parang hindi naman galing sa hospital!! " bulong ko habang nakatitig sa mukha ni Ken..

Lumapit ako sa salamin at inayos ang buhok ko.. Saglit akong nagmumog at nag hilamos.. Paglabas ko ng CR,  nakaupo na si Ken sa sofa.. Halatang kakagising lang..

"Oy, Good Morning!" bati ko dito.

"9am na pala.. "

"Maghilamos ka nga dun Ken, halatang ilang balde yung iniyak mo kagabi!" pang aasar ko kay Ken.. Tumayo ito at tiningnan ang sarili sa salamin.

"Nakakahiya naman sayo? Eh doble na eyebags mo oh!" sabi ni Ken at inirapan ko ito.

"Wag ka ngang ano!!!  Pinagpaguran ko tong eyebags na to noh!! "

Ngumiti si Ken.

"Nakatulog ka ba ng maayos? " tanong nito.

"Hindi naman obvious diba? Inabot nga ako ng 9am dito sa kwarto mo! "

"May bayad pag stay mo dito. 1K per hour." sabi nito at natawa ako..

"Sige na. Balik na ako sa room. Baka nag aalala na yung dalawa sa akin. "

"Ganun ba? Hmm.. Kung wala kang gagawin today, baka pwedeng samahan mo akong bumili ng gift! "

"Ako ang sasama? "

"Hindi.. Baka yung mga kaibigan mo.. Syempreeeee!!! Ikaw!!  Ikaw lang ang kilala ko dito noh!! "pambabara ni Ken.

"Fine. What time ba? "

"12pm siguro. Sa lobby na lang tayo magkita.."

"Ok. Sige. "

Nagulat ako ng inabot ni Ken yung phone niya sa akin.

"Ano to?? "

"Save mo number mo! "

Kinuha ko ito at tinype na yung number ko.







Pagpasok ko ng room, naabutan kong nakaupo at tahimik na nanonood ng movie si Sab at Diego.

"Good Morning!" bati ko sa kanila.

"Saan ka ba galing? Ang aga mo naman yatang nagising? Wala ka na pag gising namin ni Sab!"

"Diyan lang ako galing! Hmmp, kumain na ba kayo?"

"Hindi pa. Inaantay ka namin! "

"Give me 10 minutes, shower lang ako! " sabi ko sabay karipas ng takbo papasok ng CR.





Habang kumakain kami, humahanap ako ng tiyempo para magpaalam sa kanila.. Sasamahan ko kasi si Ken..




"Ahh.. Mamaya nga pala, aalis ako. " pag umpisa ko.



"Sakto. May pupuntahan din kami ni Sab.. Hindi ka pwede sumama kasi bawal single dun. " sabi ni Diego at inirapan ko ito.



"Sasamahan ko si Ken. "sabi ko. Sabay silang napatingin sa akin.





"Si Ken?? Akala ko ba magkagalit kayo?? "


"Hindi ba pwedeng medyo ok ok na? " sabi ko sa kanila.



"omg!!  Kailan kayo nagkausap??? Wait!! Don't tell me may nangyari sa inyo kagabi??? Kaya wala ka sa roon paggising namin?? " sabi ni Diego. Tinakpan ko ang bibig nito.

Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon