Amor's POV
After ng workshop, agad akong sumakay sa kotse ni Diego.
"Bakit ba excited kang uminom!! " mataray na sabi ni Diego.
"Paandarin mo na lang yung kotse mo. "
Nagtataka ako kay Diego. Marami na kaming Club na nadaanan pero hindi parin niya hinihinto yung kotse.
"Saang Club ba tayo??? May bago kabang nadiscover?? Sino yung last na kasama mong mag Club?? "
"Ang ingay mo! Atat ka talaga makainom!! "
"Saan ba kasi tayo? "
Huminto si Diego .. Inayos niya ang pagkakapark ng kotse niya at bumaba na kami.
"Karaoke Hub?? Seryoso ka? Sa dami ng Club na nadaanan natin, dito mo lang pala ako dadalhin? Siguro may voucher ka dito nooooh!?? Tinitipid mo kaibigan mo?? Diego naman!!"
"Hoy. Sinong nagsabi sayo na lilibre kita? KKB to!! "
Pagpasok namin sa Premium room, napahinto ako sa paglalakad ng matanaw ko si Ken na nakaupo sa loob ng couch.. Nasa loob na siya ng room namin..
Napatingin ito sa pinto at napatayo ng makita ako..
Lalakad na sana ako pabalik ng harangan ako ni Diego.
"Saan ka pupunta?? "
"Bakit ba nandito yan?? " inis na tanong ko..
Nginitian lang ako ni Diego..
"Kaibigan kita diba Diego? Bakit pati ikaw nagpapa-uto diyan sa Doktor na yan?? "
"Amor, dapat mag usap na kayo now. Baka pag lalo niyong pinatagal, hindi na maayos. Alam mo naman, habang tumatagal, nagmamarinate yung galit! Kaya Go. Kausapin mo na siya. "
Napatingin ako kay Ken na seryosong nakatingin sa akin.. He was wearing blue white stripes na polo shirt... Ang fresh fresh niya tingnan.. Parang wala namang pinoproblema.
Napansin ko na lang na umalis na pala si Diego at iniwan kami ni Ken sa loob ng Videoke Room.
"Amor, wag kang magalit kay Diego, nakiusap ako sa kanyang dalhin ka dito.. "
"Kung gusto mong mapakinggan ko yung mga sasabihin mo, sabihin mo na now. Hanggat napipilitan pa akong makinig. "
"Hindi ko intensyon na lokohin ka. Na pagmukhain kang tanga. Balak ko naman talaga sabihin sayong hindi ko totoong girlfriend si Julie eh pero lagi kong nakakalimutan. Lalo na pag kasama kita, parang wala naman na akong dapat pang ipaliwanag.. Pero sorry Amor. Sorry kung iniisip mo na niloloko kita.. Simula nung bumalik ka. Nung nagpakita ka ulet, sabi ko sa sarili ko ayoko ng may masayang pang oras na hindi kita kasama.. Sobrang tagal ng hindi kita nakita. Sa pagkakataong ito, gusto kong malaman mo na hindi na ako komportableng kaibigan lang ang tingin mo sa akin. "
Bigla akong kinabahan sa inamin niya.
"Hindi na ako papayag na may iba pang lalaki na babakod sa bestfriend ko. Kahit na sinong lalaki. Straight man or hindi " sabi nito sabay tingin sa pinto referring to Diego.
BINABASA MO ANG
Head over Heels
Fanfic"Deep love is seeing someone at their most vulnerable, often lowest point, and reaching out your hand to help them get back up. Because deep love is selfless..."