Thankful

585 26 0
                                    

Amor's POV

3PM na ng hapon ng magpaalam kami sa mga Bata at mga Madre.


"Sa kotse ka na sumabay. " sabi ni Ken at nginitian ko ito.


"Anong ngiti yan? "


"Wala. Masaya lang ako. " sabi ko sabay pasok sa kotse niya.



"Saan mo gustong kumain? " tanong ni Ken na ikinabigla ko.





"Kahit saan basta may Ramen. " hirit ko at natawa ito.




"Fine. Alam ko na kung saan. "






Sa kalagitnaan ng biyahe, panay ang tingin ni Ken sa akin.



"Ano ba Amor. Kanina mo pa ako tiningnan. "



"So kanina mo pa ako nahuhuli? " tanong ko dito.



"Bakit ba? Pang aasar ba yan? "




"No. Bukod sa poging pogi ako sayo today, today lang hah! Hmmm.. Masaya ako eh. Ewan ko. Ang sarap lang ng ganitong pakiramdam. Ikaw ba? Di mo pa nafefeel yung ganito? "





"Hmm. Tingin ko, hindi ko pa nafeel yan. Kasi never pa naman akong nagandahan sayo.. " hirit nito at inirapan ko siya.




"Hahaha. Joke lang! To naman! Syempre, alam ko yang ganyang feeling. "




"Salamat talaga Ken hah. Kahapon pa ako namomroblema para sa foods at gifts eh. "


"Wala yun. Malakas ka sa akin eh! "




"Nakanaks. Oooy, baka ma in love ka niyan sa akin. Bahala ka.. " pagbananta ko dito ng may halong "bekenemen" Hihi.





Natawa lang si Ken sa hirit ko na yun.





💔




After namin kumain ni Ken, nagulat ako ng ayain niya ako sa isang resort sa Batangas.



"Masyadong biglaan to!! Baka patalsikin na ako ng hospital.. " sabi ko kay Ken




"Huh? Eh ako kayang kasama mo! "





"Oo nga. Wala ka bang patients? "



"Kaya na ng mga co-doctors ko yun. "





"Sus. Ikaw na tagapagmana." hirit ko sabay pisil sa braso ni Ken.





"Namiss ko kasi bigla yung dagat.. "





Napatingin ako kay Ken. Seryoso itong nakatingin sa dagat.




"Ken.. " seryosong tawag ko dito. Napatingin ito sa akin.




"Anong facial wash mo?" tanong ko at sabay kaming tumawa.



Kumuha si Ken ng dalawang beer mula sa likod ng kotse niya.



"Ayos to. Di ka naman prepared niyan? " biro ko dito.




"Inom tayo? " pag aya nito. Hindi ko natinanggihan gaya nung pagtanggi ko sa Cebu.






"Ikaw lang ba yung doctor na umiinom ng alak? " tanong ko dito at natawa ito.



"Hala? Tao din kami Amor! Tsaka in moderation ang pag inom ko ng alak.. "



Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon