01 - Exasperated

110K 1.9K 3.8K
                                        

01 - Exasperated

Kaetherine's POV:

(A/N: Reads as Key-ti-rine)

Pagkababa ko pa lang ng sasakyan, wala ng awat ang bilis ng puso ko. First day na naman kasi at nakakainis na hindi na yata ako nasanay na tuwing magpapasukan ay 'wag ng kabahan. Lalo pa ang laki-laki ko na.

Matapos kong mapakalma ang sarili, pumasok na rin ako sa university at hindi pa man ako nagtatagal sa paghahanap naagaw na ng atensyon ko ang grupo ng mga pamilyar na babae.

"Kaethhhh!" Matining na sigaw ng best friend ko nang makita pa lang ako. Napangiwi tuloy ako dahil napalingon ang iilan sa ginawa niya. Kahit na kailan talaga e. Busalan ko na kaya bibig nito?

Pinanlakihan ko siya ng mata para magtigil siya. Nakakakuha na kasi kami ng atensyon. Mamaya pa nito, university staff pa ang makakita sa amin at paakyatin pa kami agad sa mga classroom.

"Ang ingay mo." Bulong kong sabi sa kanya nang makalapit ako.

"Hindi ka na nasanay," nailing na lang ako sa sinagot ni Thalia, isa rin sa mga kabarkada ko. Pero isa rin naman siya sa maiingay pero totoo naman ding maingay si Andrea. Kung ikukumpara rin kay Thalia ang boses nito mas nakakaasar ang kanya.

Kaya ngayon palaisipan talaga sa akin bakit ko siya naging best friend. Marami kasi kaming pagkakaiba. Maingay siya, saktuhan lang naman ako. Hindi naman din kasi ako tahimik at sumasagot naman ako kapag dinadaldal din ano.

Bukod pa ro'n, iyakin siya at sakto lang naman ako. Mababaw kasi ang luha niya. Naalala ko pa nga no'ng Grade 11 kami, wala pang isang linggo ng klase, umiiyak na siya. 'Yong mga kagrupo niya raw kasi namomroblema siya. Marami pa kaming pagkakaiba sa totoo lang pero kahit na gano'n nagkakasundo naman kami.

Sa anim na taon naming pagkakaibigan, nagsasawa na nga rin ako sa pagmumukha niya kaso wala namang choice. Lagi kasi kaming magkaklase na dalawa no'ng Junior High School pa lang. Kung mamalasin pa kahit na magkaiba kaming strand na kinuha, nagkataong marami namang sumobra sa ibang strands at kabilang kaming dalawa sa section na napunta sa may iba't ibang strand.

"Ang ingay niyo para kayong mga wangwang." Nabuburyo kong saway sa kanila ni Thalia sa harap ko. Paano ba naman kasi nasa gitna talaga ako tapos mag-aaway sila?

"Ang harsh mo e, 'no? Kakakita lang natin. Wala ka man lang kumusta?" Sarkastiko nitong sabi.

"O, edi kumusta?" Labas sa ilong kong tanong. Ang arte-arte ng taong 'to. Akala mo naman hindi kami nalabas ng ilang beses no'ng bakasyon.

"Eto maganda pa rin." Biglang ngiti nito kaya napairap ako. Kadiri.

"Ano raw? Thalia, may narinig ka ba? Parang bigla akong nabingi kanina e." Pang-aasar ko na ikinabusangot naman niya.

"Epal ka, 'no? Tara na nga! Hindi na rin naman na tayo makakalibot kasi sina Mr. Rodriguez nakabantay na kanina pa sa mga estudyante." Pagalit pa nitong sabi pero hinarap pa sina Thalia at nakipagdaldalan pa.

Nailing na lang ako at naunang maglakad dahil puro pa kasi sila daldalan. Alam ko rin namang susunod sila. Ang kailangan lang talaga ay may mauna dahil baka ma-late pa kami kakadaldal nila.

Hindi kasi maiwasan dahil magkakaklase kami ngayon. Nagkataon pa na kaming magkakaibigan ang magkakasama. Nang nag-reshuffle kasi ang university by strand, 'yong section namin pare-parehas ang nagkataong halo-halo.

Agad din naman naming narating ang floor ng Grade 12. Doon pasimpleng hinagod ng mga mata ko ang bawat room number ng classroom na madadaan namin. Hindi pa kasi namin alam kung nasaan iyon banda at dahil ako ang nauuna, syempre ako ang maghahanap.

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon