07 - Petit Dejeuner
Kaetherine's POV:
I'm glad you already agreed
For I know assurance is what you need
To the heart of yours, that bleeds
Sadness is what I read
I hope this note that you will receive
Will make you believe
You deserve happiness, not be in grieve
Now, did I make you perceive?
After writing a short piece of poem, I placed the yellow paper beside the milk that I made next to the yellow rose I got. Why yellow? Because it symbolizes joy and friendship.
Kahit pagkakaibigan na lang, tanggap ko namang hanggang doon lang talaga ang pwede. O kahit maayos ko na lang ang gusot na sinimulan ko.
Nang maiayos ko na ang mga ito sa tray, dadalhin ko na sana ito sa kwarto niya nang makita ko namang nasa labas na pala ito at halos nakakunot na naman ang noo na nakatingin sa akin.
"Where are you going?"
"A-Ah sa kwarto mo po sana—"
Hindi pa man ako natatapos magsalita ay dinaanan na ako nito't tinungo ang cupboard saka kumuha ng mug at nagsalin ng black coffee nito galing coffee maker niya. Sa mga oras na 'yon hindi ko maiwasang manlumo.
"What's this?" Malamig na tanong nito at pakiramdamn ko alam ko na ang susunod na mangyayari.
"A-Ano po, m-motivational??" Kahit hindi sigurado ay sinubukan ko pa rin itong sagutin ang bigyan ng ngiti. Ang kilay naman nito'y biglang napataas at unti-unti nang nagsalubong.
"Look, stop making these things, alright? I already made a promise. Let's not waste time. I don't need any motivation." Sabay iwan na nito sa akin kasama ng mga hinanda ko.
Sa pagsinghot ko ay roon ko lang namalayan may nagbabadya na palang tumulo na mga luha sa akin. Agad ko namang pinunasan ang mga 'yon. Ano ba 'tong drama ko e tanggap ko naman na. Dapat hindi na ako nasasaktan.
Pero kasi sayang ang mga hinanda ko. Ang dami pa naman. Sayang naman kung itatapon ko lang. Effort ko rin ito e.
Imbis na magdamdam pa na hindi naman din dapat, sinikap ko na ilagay na lang ang mga ito sa tupperware at dali-dali na rin akong naghanda papasok.
Nakita ko pa ang gatas na tinimpla ko kaya agad ko na itong tinungga. Hindi naman kasi rin nagalaw. Sa naisip ay bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot. Hindi man lang kasi nito na-appreciate ang hinanda ko.
Kahapon naman kasi okay na kami e. Hindi ko alam bakit nagkagano'n na naman ito. May nangyari na naman kaya?
Nagkibit-balikat na lang ako sa naisip at pumasok na rin. Physical Science kasi ang unang klase ko at si Mrs. Cruz na strikto pa man din ang professor ko ro'n.
Pagpasok nakita ko naman ang mga kaklase kong abala sa kanya-kanya nilang gawain. Mayro'ng kumpulang naglalaro ng ML, nagkukwentuhan, mga naka-earphones at tutok sa mga cellphone. Higit sa lahat, mayroon din na busy-ng busy na kumokopya ng mga assignments.
Hinanap naman agad ng mga mata ko ang mga kaibigan ko at ang nakita ko pa lang na nandoon ay si Charlotte. Kumaway ito sa akin at nginitian ako, doon naupo naman ako sa tabi nito pero nawala ang mga ngiti nito at napalitan ng pagtataka nang makita ang mga bitbit kong mga pagkain.
"Saan galing 'yan?" Tanong sa akin nito ng salubong ang mga kilay.
"H-Ha?" Parang tanga kong tanong dito at doon tumaas ang kilay nito. Patay. Bakit hindi ko ba kasi naisip na mangyayari 'to?
BINABASA MO ANG
She's Into Her
Fiksi UmumTFOL SERIES 1 Kaetherine is an obscure student who merely wants to pursue her passion for composing poems. As she gradually grew enthusiastic about discovering her deep-seated gift, she also found herself never-not involved in her professor's life...
