35 - Bare Heart
Kaetherine's POV:
"What?! No! You cannot do that!"
"Raiza, look! You know what happened between them—"
"Yes, Mom! And I told you already, I don't care what happened that night!"
"I said no! You will not continue that relationship anymore. After all, this is only a blind date setup—"
"I told the both of you, this is not about that blind date setup anymore! I love her! And you clearly do not understand that!"
"Raiza, hija, I think this is for the best too—"
"No, tito! I said no! Wala namang kami pa no'n, so okay lang—"
"Raiza, that's not the point. Rielle is your sister—"
"E hindi naman niya mahal si Kaetherine!" Tila desperada at mangiyak-ngiyak na sagot nito sa dalawa bago matalim ang mga matang nilingon ang gawi ko. Kung gaano katalim ang ipinupukol nitong mga tingin ay siyang talim din ng binitawan nitong mga salita sa akin. "Bakit sinabi niya bang mahal ka niya?"
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko matapos kong alalahanin ulit ang tagpong iyon. Kanina pa paulit-ulit sa isipan ko ang nangyari kaninang umaga pero hanggang ngayon ay tila malakas na sampal pa rin ang mga katagang binitawan sa akin ni Raiza ng mga oras na 'yon.
Pagkatapos kasi naming mag-usap ni Ms. Rielle, babalik palang sana ako sa boardroom ng nakasalubong ko naman sila tita na pabalik din doon.
Nang mga sandaling 'yon, nakapag-isip-isip na akong putulin ang anumang koneksyon ko sa pamilya nila. Not that I was trying to escape pero una palang naman kasi, I really have no plans of making the blind date arrangement a serious one.
Kaya dumeretso kami sa boardroom ulit at saka nag-usap, doon ko na rin tinanong ang mga ito kung pwede ko bang makausap si Raiza. Hindi kasi nila ito kasama. Pumayag naman agad ang mga ito at sinamahan ako sa kanya. Nagkulong daw kasi ito sa opisina ni tito at hindi sila sinasagot.
Pagkasabi naman ni tita na kasama nila ako, doon lang ito lumabas. Agad kong sinabi rito ang naging desisyon ko, sumang-ayon naman agad sila tita sa sinabi ko pero tulad din ng inaasahan, kung gaano kasang-ayon ang dalawa sa naging desisyon ko ay siyang labis na pagtutol naman ni Raiza.
Napatingala na lang ako sa madilim na kalangitan saka muling nagpakawala ng buntong-hininga. Kasalukuyan kaming nasa residensya ng mga ito pansamantala dahil inabot na kami ng gabi ni lola kakahintay sa paglabas ni Raiza sa kwarto niya.
Dito kasi ito dumeretso pagkatapos kami nitong takbuhan ulit kanina pagkasabi nito ng mga katagang iyon sa akin. Minabuti naman naming sundan na lang ito para makausap, masyado na rin kasi kaming nakakakuha ng atensyon kanina sa kompanya. Pero lahat ng paghihintay namin ngayong araw ay napunta lang sa wala dahil nagkulong lang ito buong maghapon sa kwarto niya. Ultimo pati pagkaing dinadala sa kanya'y hindi nito pinagbubuksan.
With that very reason too, kinausap ulit ako nila tito tungkol sa naging desisyon ko. They want me to rethink my decision and consider what I really wanted. As they said, 'You must be just confused and overwhelmed, try to rethink your decisions again. After all, you have considered taking chances with Raiza.'
"Bakit hindi ka pa natutulog?"
Napalingon ako agad sa pinanggalingan ng boses at nasilayan ang ngayo'y kalmado na nitong mukha. Kung ikukumpara kasi sa kanina ay halos hindi maipinta ang itsura nito sa galit at konsumisyon sa akin.

BINABASA MO ANG
She's Into Her
Lãng mạnTFOL SERIES 1 Kaetherine is an obscure student who merely wants to pursue her passion for composing poems. As she gradually grew enthusiastic about discovering her deep-seated gift, she also found herself never-not involved in her professor's life...