26 - Latibule

51.2K 1.4K 2.9K
                                        

26 - Latibule

Kaetherine's POV:

Naalimpungatan ako sa pagtulog nang may maramdamang presensya malapit sa akin. Doon din nakarinig ako ng mga takong na tila nagmamadali na ngayong lumayo. Kaya kahit pupungas-pungas pa ay pinilit kong magmulat.

Agad din naman akong napamulagat nang maalalang nasa penthouse nga pala ako. Nang luminaw ang paningin, nakita ko agad si Ms. Rielle sa 'di kalayuan.

She is seated across from me sa kabilang sofa. Her legs and arms are crossed while her eyes are firmly shut. Kung hindi rin ako nagkakamali taas-baba ang dibdib nito na tila hinahabol ang paghinga niya.

Nagtaka naman ako dahil doon at tatanungin na sana ito kung ayos lang ba siya nang mapansin ko naman ang ilang grocery at shopping bags na malapit dito. Mukhang namili ito at sa dami ng mga 'yon at mukhang ang bibigat pa ng mga ito ay hindi na nakapagtataka sa 'kin ngayon kung bakit tila hinahabol nito ang paghinga niya.

Dahil din doon hindi na rin ako nagtaka kung bakit ganitong oras na ito nakauwi. Mahigit isang oras na kasi akong nakatulog sa paghihintay rito. Tulad ng sinabi ko kay Ms. Dianna kanina, hihintayin ko si Ms. Rielle habang ito naman ay humiwalay na sa akin dahil kailangan na raw nitong umuwi.

Kalaunan, tumikhim ako para kunin ang atensyon nito. Dahan-dahan naman itong nagmulat at saktong nagtama ang aming paningin. Alam na alam ko na ang epekto nito sa akin kaya bago pa man ay iniba ko na ang direksyon ng mga mata saka nagsalita.

"Ah, sorry po. Nakatulog pala ako saka if pumasok po ako sa penthouse ng wala kayo," paunang sabi ko. Hindi naman ito umimik. "Bigla po kasi akong in-accomodate ng receptionist agad dito. Dapat po talaga sa lobby lang ako—"

"It's fine. I told them to do so." Prente nitong sagot. Nagsalubong naman ang kilay ko at nagtataka itong sinundan ng tingin nang tumayo ito at nilapitan ang mga grocery bags.

"Eh? Bakit naman po?" Tanong ko. Natigilan naman ito habang nilalabas ang mga ipinamili niya.

"W-Well," mautal-utal nitong panimula at unti-unti akong binalingan ng tingin. Doon nakita kong tila nagdadalawang-isip pa ito kung sasagutin niya ang tanong ko o hindi. Napayuko pa ito sa canned good na hawak na tila ba unti-unti rin itong nilamon ng hiya.

"Well?"

"W-Well, maybe because I am still waiting..." mahina nitong dugtong sabay tinalikuran agad ako at inasikaso na ulit ang mga pinamili nito.

Doon saglit naman akong natulala. Kumabog na naman ng mabilis ang puso ko at naramdaman ang biglang pag-iinit ng magkabilang pisngi.

Kaetherine, 'yong puso at karupukan mo ikalma mo. Remember you need to tell her something.

"A-Ahh." Ang tanging nasabi ko na lang nang maalala ang nag-udyok sa akin para puntahan ito saka napakagat labi. "P-Pero hindi na po ako babalik." Agad kong dugtong at napayuko.

Hindi ko kasi alam kung dapat bang sinabi ko agad 'yon sa kanya o hindi. Dahil kakasabi niya lang na she's still waiting despite what happened earlier. So, it meant that she was still silently hoping for me to return, but here I am. However, I also don't want to give her high hopes and then simply leave her feeling frustrated and disappointed in the end.

"I know. You have no bags with you." Napatingin ulit ako rito nang magsalita ulit siya. I thought she'll give me that blues again pero nanatili lang itong kalmado at may point naman siya. "So, you're here for?" Sunod nitong sabi. Napalunok naman ako bago ito sagutin.

"Uhm, para sabihin pong babalik na ako kay lola." Mahina kong sabi at napakagat-labi pagkatapos. Agad naman itong napatingin sa akin, bakas ang pagkagulat sa mukha nito.

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon