19 - Metamorphosis

49.3K 1.3K 3.8K
                                    

19 - Metamorphosis

Kaetherine's POV:

Naalimpungatan ako nang may sumiksik sa akin at naramdaman ang maiinit nitong paghinga sa leeg ko. Inaantok pa ako kaya pinili kong hindi ito pansinin. Pero agad din akong napamulat nang mapagtanto iyon. 

Bumungad sa 'kin ang payapang-payapa na mukha ni Ms. Rielle. Nakapatong ang ulo nito sa kaliwang balikat ko at himbing na himbing pa rin sa pagtulog kahit na alanganin ang pwesto namin dahil nandito pa rin kami sa sala. 

Sandaling tinitigan ko ito't binigyang pansin ang walang kakupas-kupas na kagandahan nito. Mula sa mga panga nitong malapit na sa kaperpektuhan hanggang sa mahahabang pilik mata, makukurba at makapal na kilay, matangos na ilong, natural na mamula-mulang mga pisngi't labi at sa iilang hibla ng buhok nitong tumatakip sa mukha niya.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko at napapigil sa paghinga nang muli itong sumiksik. Idagdag pang nakayapos din ito sa akin na kahit alam kong hindi ito magigising sa simpleng gano'n pero nag-aalala kasi ako sa magiging reaksyon ulit nito kapag nagising na naman siya. 

Napapikit tuloy ako nang mariin. Bakit ba kasi hindi ko pa siya ginising agad kagabi? Worse, nakatulog din ako sa katabi niya.

At gano'n na lang ang pagtahip ng takot sa dibdib ko nang makitang natigilan ito sa kalagitnaan ng pagsiksik niya sa 'kin. Tila naalimpungatan na rin. 

Mula sa namumungay nitong mga mata noong una ay bigla itong napamulat. Tila napagtantong nakahilig ito sa kung sino at doon dahan-dahang umangat ang paningin nito sa gawi ko.

Nang magtama ang paningin namin tila nawalan ng dugo ang mukha ko. Sumibol ang takot, kaba, at pangangamba sa akin at mabilis na nanumbalik sa isipan ko ang mga nangyari noong unang beses ko itong nakatabi. Doon awtomatikong napahiwalay ako rito't napatayo.

"S-Sorry po, ma'am. Hindi ko po sinasadya." Taranta kong hingi ng paumanhin dito at kahit hindi pa ito nakakasagot ay mabilis na akong pumasok sa kwarto ko.

Agad akong napasandal sa pinto nang makapasok sa loob, sapo-sapo ang dibdib at doon na lang ulit nakahinga nang maayos. Namalayan ko na lang ding pinagpawisan na pala ako.

Nang mayamaya ay kumalma na ako, doon ako napaisip. Paano na naman kaya kami ulit nito

Magulo ang isipan kong pumasok na lang sa banyo para maligo. Basta ang alam ko lalabas ako at sasagarin ko ang araw ngayon para hindi kami magkatagpo. Natatakot akong kagalitan na naman nito at masabihan na naman ng masasakit na salita. 

Feeling ko lang kasi kung gano'n, mas masakit ngayon. Pagkatapos nitong maging mabait sa 'kin nitong mga nakaraang araw, parang hindi ko yata kaya.

Matapos kong mag-ayos ng sarili, tinignan ko muna ulit ang ayos ko sa salamin. Isang baby blue top at pants ang suot ko. Sakto lang para sa lakad namin ni Rider. 

Napagdesisyunan kong ayain na lang kasi ito ngayong araw na ituloy ang naudlot naming lakad noong nakaraan tungkol sa nahanap nitong apartment. Mayamaya nang makuntento na ako sa ayos ko ay lumabas na rin ako.

Doon sumalubong sa akin ang maaliwalas na awra ni Ms. Rielle, suot-suot ang beige loose shirt na tinernuhan nito ng high-waist short. Kasakuluyan itong nasa kusina at abalang gumagawa yata ng almusal niya.

She's also wearing an apron that wonderfully conceals her curves and I can't contain myself but mentally smile at the sight of her.

Mukhang napansin naman nito ang presensya ko at napatingin sa gawi ko kaya napaayos ako ng tindig.

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon