23 - Venture

51.2K 1.9K 6.5K
                                        

23 - Venture

Kaetherine's POV:

"Rielle and I have rekindled our relationship."

Agad akong natigilan sa ginagawa ko nang marinig 'yon. Ilang minuto ang kinailangan ko bago ko ito maangatan ng tingin dahil hindi maproseso ng utak ko ang mga salitang lumabas sa bibig nito. Pakiramdam ko namangmang yata ako.

"P-Po?" pag-uulit ko kahit na rinig na rinig ko naman at malinaw pa sa tumutulong tubig ang sinabi nito sa akin. Pero kasi ayaw kong paniwalaan ang kahit anumang lumalabas sa bibig ng babaeng 'to. Imposible 'yon, 'di ba? Imposibleng balikan pa nito si Nurse Clara matapos ang lahat.

"You heard me, Rielle just said yes to me earlier," ulit nito saka sumilay ang isang ngiti rito.

Ngiting pagkakita ko ay tuluyang nilamon ng takot ang dibdib ko dahil alam kong hindi naman talaga imposibleng mangyari 'yon at sa nangyari pa kanina, pwedeng nagkabalikan na nga talaga ang dalawa. Pero pinili kong balewalain ang mga naiisip. Bakit naman kasi ako maniniwala sa kanya? E ang sinungaling niya, manloloko pa siya.

"Hindi ako naniniwala," matapang kong sabi. Noong una bumakas ang pagkagulat sa mukha nito pero kalaunan ay unti-unti rin itong ngumisi.

"Ikaw bahala." Kibit-balikat na sagot nito.

Umiwas na lang ako ng tingin at ibinalik na ulit ang atensyon sa ginagawa ko. Namayani ang katahimikan sa amin. Doon nag-umpisa ng magsulputan ang maraming katanungan sa isip ko.

Mga katanungang tulad ng totoo ba talagang nagkabalikan na sila? Kaya rin ba gano'n na lang ako nito kadaling pinaalis kanina sa penthouse? At si Ms. Harriette ba talaga ang totoong dahilan kung bakit ako nito pinaalis o dahil lang kailangan na talaga ako nitong paalisin ngayon dahil kay Nurse Clara?

Mapait na lang ako napangiti at napailing sa kaisipang 'yon. Dahil kahit ano naman ang maging sagot, wala naman akong dapat ikagalit dito. Matagal na rin naman ako nitong pinapahanap ng malilipatan.

"You know... I've been meaning to have this one-on-one conversation with you." Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko nang magsalita muli ito at marinig ang sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Bakit?" nagtataka kong tanong at sa hindi malamang dahilan bahagyang ay nakaramdam ng kaba. Wala naman kasi akong nakikitang dahilan para gustuhin niya pa akong makausap lalo pa't sila na base sa sinabi niya.

"Didn't you help me back then sa amusement park?" tanong nito. Naguguluhan man ay dahan-dahan ko itong tinanguan.

"I just thought I should invite you to the small celebration of our anniversary this Sunday? After all, you help me win her again and Rielle also mentioned you're so eager to help us get back to each other," sambit nito na para bang hindi niya naririnig ang mga sinasabi niya.

Kasabay rin no'n ay unti-unti akong natigilan at nagising sa kahibangan. Small celebration of our anniversary this Sunday? So, sila na talaga ulit? Nagkabalikan na talaga sila? Hindi niya gawa-gawa lang 'yong kanina?

Tinignan ko naman ito nang hindi makapaniwala dahil kung gano'n man, bakit niya naman din ako inaaya? Matapos ng nangyari dati? Nasabunutan niya pa nga ako e. Saka alam ko namang pina-plastic niya lang ako no'n bago mag-retreat at ginawa ko lang din naman talaga 'yon para kay Ms. Rielle.

"Naririnig niyo po ba 'yang sinasabi niyo?"

Unti-unti namang nawala ang ngiti sa mukha nito at napalitan iyon ng ngisi na ikinagulo ng isip ko pero hindi ko na 'yon pinansin.

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon