11 - Osculate
Kaetherine's POV:
Pagdating ko sa university doon ako umidlip muna dahil may meeting daw ang mga professors ngayon. Palagay ko'y isang oras din ang itatagal noon kaya kanya-kanya kaming agenda ng mga kaklase ko.
Nang maalimpungatan ako sa ngalay at wala pa rin kaming professor ay kinuha ko na lang iyong notebook ko na may kopya noong ginawa namin kanina ni Ms. Rielle.
Noong una ay nagdadalawang-isip pa ako kung bubuksan ko pa ulit ito pero bakit naman hindi, 'di ba? Alam ko na rin naman ang laman.
OPERATION: Bringing back Clara
1st Plan: Be the best version of yourself first.
2nd Plan: Then start to give the small things that will make her say yes about winning you back.
3rd Plan: Court her again. Be consistent about bringing her back. Show it by giving her your time, bring her food and flowers.
4th Plan: Sing her favorite songs.
5th Plan: Always ask her to go with you on a date.
6th Plan: Accompany her at all times.
7th Plan: Text, Message or Call her and say how you love her so much. (Note: It's sweeter when you write her a letter instead.)
8th Plan: Make Her Say I Love You Too and finally win her back.
Habang binabasa ko ito nang maigi, hindi ko alam kung ilang beses ko pinigilang huwag maluha.
Sa tuwing iisipin ko na magkakaayos na ang dalawa parang binibiyak ang puso ko. Parang kumuha ako ng kutsilyo tapos ako mismo ang sumaksak sa sarili ko.
"Uy matunaw naman 'yang notebook." Bungad na sabi sa akin ni Charlotte. Binalingan ko naman ito ng tingin.
"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong nito nang makita ako.
"O-Oo naman. Bakit naman hindi?" Natatawang sagot ko at binigyan pa ito ng na-weweirduhang tingin.
Napabuntong-hininga naman ito at tumabi sa akin kaya napaayos ako ng pagkakaupo.
"Ba't ko pa nga ba kasi tatanungin kung ayos ka lang? Kung obvious namang ang isasagot mo sa akin ay 'oo, okay ka lang'. Kahit mukha namang hindi." Litanya nito sabay irap sa akin kaya napasimangot ako rito.
"Eeee, okay lang naman talaga ako." Pagpupumilit ko pa.
"Yeah... yeah. Kunyare naniniwala ako sa 'yo at sobrang kapani-paniwala ka dahil d'yan sa itsura mo." Asar na sabi nito sa akin at dinuro pa ang mukha ko. Hinampas ko tuloy ito ng notebook.
"Aray! Hoy, masakit kaya Ortega!" Reklamo nito habang nakasimangot at hinimas-himas ang braso niya.
E kasi naman isa pa 'yang pagtawag niya sa akin ng Ortega. Simula no'ng magkwento ako sa kanya tungkol sa nararamdaman ko madalas na raw niya kaming bantayan.
At pinagmalaki niya pa na kakabantay niya napag-alaman niya ngang gano'n daw ang tawag sa akin ni Ms. Rielle. Kaya heto't palagi niya na akong inaasar.
"Hoy, Charlotte! Ang creepy mo na ha! Tigil-tigilan mo na nga kakabantay mo!" Saway ko rito. Pero binigyan lang ako nito ng irap.
Sa totoo lang, hindi naman talaga 'yon creepy para sa akin. Alam ko naman kasing ginagawa nito iyon dahil nga sa nalaman nito na alam naming parehas na napakakomplikado.

BINABASA MO ANG
She's Into Her
RomanceTFOL SERIES 1 Kaetherine is an obscure student who merely wants to pursue her passion for composing poems. As she gradually grew enthusiastic about discovering her deep-seated gift, she also found herself never-not involved in her professor's life...