17 - Figurative
Disclaimer: This chapter is solely for your enjoyment. This is not a religious endorsement, and you are not compelled to believe or agree with everything that is published, and we will not engage in a theological debate. Any thoughts or opinions expressed are not meant to belittle or disparage any religion, ethnic group, club, organization, business, or individual.
Kaetherine's POV:
Tahimik ang silid, walang umiimik. Lahat ay pigil-hininga habang mariin lang nakikinig sa kwento ni Jenny. Sa laki ng kwarto ay nagsisiksikan kami sa isang lugar.
Nasa kalagitnaan kami ng siesta at mahigit dalawang oras na kaming nagkukwentuhan. Kahit namamanhid na rin ang mga paa ko ay hindi ko nagawang gumalaw. Habang tila sirang plaka sa isip ko ang mga naunang detalyeng nasabi ni Jenny kanina.
Tatlong palapag ang bahay nila. Sa pinakataas ay may dalawang kwarto at isang banyo. Lima lang din sila sa pamilya pero noong mga panahon na 'yon ay anim sila sa bahay.
Nakikitira raw kasi no'n ang pinsan nina Jenny sa kanila. Sa probinsya raw kasi ito nakatira at sa kadahilanang walang mahanap na trabaho roon lumawas ito rito at naging isa itong call center agent na sa gabi ang duty.
Isang araw naalimpungatan daw si Jenny sa ingay ng tubig mula sa banyo nila. Pagmulat niya, saktong alas-otso na ng umaga. Naiihi raw ito kaya tumayo agad ito kahit hindi niya pa maayos na maidilat ang mga mata niya.
Pagkatapos nitong magkusot ng mata, nakita nito ang kuya niyang nagbabanlaw ng paa sa banyo kaya sumandal na lang muna si Jenny sa pinto ng kwarto habang naghihintay.
"... tanaw ko si kuya no'n dahil hindi naman sarado ang pinto ng banyo at napagigitnaan lang din ito ng mga kwarto," pagpapatuloy ni Jenny.
"Tumagal pa ng konti ang paghihintay ko, hindi pa rin tapos si kuya. Habang naisip ko naman no'n na bakit ba ako tumayo agad? E alam ko namang may tao sa banyo. Kaya bumalik ulit ako sa kama at nahiga," saglit itong huminto bago muling ituloy ang pagkukwento.
"Nang marinig kong tapos na si kuya, agad na akong sumunod. Hindi na rin ako bumalik sa pagtulog no'n. May alis din kasi ako kasama si Jake at buong araw kaming magkasama..."
Pagbanggit ni Jenny no'n, sumilay ang isang ngisi sa labi ng mga kaibigan niya. Habang tuluyan akong hindi naging komportable sa pwesto ko.
Nagkukwentuhan kasi kami ng mga nakakakilabot na naranasan namin at nakarami na rin kami.
Nabalin ang atensyon ko sa katabi ko nang biglang umurong ito. O mas magandang sabihing tila sinisiksik ako nito at doon ko na lang ulit naalalang katabi ko nga pala ito.
Nakatalikod ito sa gawi ko. Her eyes were shut close while her arms were folded. Kanina pa ito tahimik simula ng mag-aya kaming magkwentuhan. Katabi ko ito ngayon sa kadahilanang pinapirma ako nito ng excuse letter kanina ng DSLR camera na dala nina Genevieve.
Adviser at class officers kasi ang dapat may pirma sa letter at ako na lang ang hindi nakapirma. Kaya noong lumapit ito kanina't pinapirma ako, saktong nag-aya na rin silang magkwentuhan.
Akala ko pa hindi ito sasali o pipigilan kami nito. Pero nagulat na lang ako nang sa isang kisap mata ay nakaupo na ito sa tabi ko. Naisip ko tuloy na baka interesado rin ito sa mga kwentong ganito.
BINABASA MO ANG
She's Into Her
RomanceTFOL SERIES 1 Kaetherine is an obscure student who merely wants to pursue her passion for composing poems. As she gradually grew enthusiastic about discovering her deep-seated gift, she also found herself never-not involved in her professor's life...