32 - Lachrymose

38.6K 1.3K 1.8K
                                        

32 - Lachrymose

Kaetherine's POV:

Bagsak ang balikat at nakasimangot akong napabalik ng upo pagkatapos ng ilang beses kong pag-iikot sa event hall. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko kasabay ng pagsalampak ko sa upuan.

Nakakainis naman e. Nasaan na ba kasi siya?

Mahigit isang oras na yata akong naghihintay and yet, ni anino niya hindi ko makita. Ang tagal-tagal ko na siyang hinahanap. Nag-aalalang napalingon naman ako sa kasama ko at buti na lang mukhang nag-eenjoy naman ito sa party.

Well, para sa mga kalahi ni Ms. Dianna na tulad niya, enjoyment na para sa kanila ang walang sawa at libreng pagkain.

Bahagya naman akong nagpakawala ng mahinang tawa dahil sa naisip. Bigla ko tuloy itong naalala. Kasing takaw kasi nila ang isa't isa. Siguro kung magkikita sila at nagkataong may mga ganitong handaan baka magsuntukan pa sila kung sino ang uubos ng pagkain e.

"Okay ka pa?" mahina kong tanong dito. Napansin ko kasing tumigil na rin ito sa pagkain at biglang sumandal na rin sa upuan at pumikit. Nang marinig naman nito ang tanong ko, dahan-dahan naman itong dumilat pero hindi niya naman ako sinagot.

"Alam mo, paulit-ulit ka. Mas napapagod pa ako kakasagot sa 'yo kaysa sa pag-attend natin dito," nagtataray nitong sagot.

Natatawa naman akong nanahimik na lang at hindi na ito pinatulan. Kailangan kong magpakabait, baka mamaya iwan ako nito e, mahirap na. At saka patay ako kay lola kapag nagkataon.

Doon pinagtuunan ko na lang ng pansin ang tiyan nitong mahigit apat na buwan na. "Baby oh, inaaway ako ng mommy mo. Sumipa ka nga." Natatawa kong sambit. Nakatikim naman ako agad ng hampas dito.

"Ang sama ng ugali mo. Kanina ang bait-bait mo para kang 'di makabasag pinggan. Parang dadaigin pa ang mga santo, St. Llianna Kaetherine of the Martyrs, pray for us," pilyang banat nito sabay tawa.

Napangiwi naman ako agad sa hirit nito. Sabi na nga ba, masasali niya na naman 'yon. Hilig niya kasing i-rebut sa akin 'yon sa tuwing nag-uuratan kaming dalawa.

"Nyenye, naka-move on na kaya ako... ang tagal-tagal na no'n. Ikaw siguro 'di maka-move on!" Napipikon kong depensa sa sarili.

Lagi niya na lang kasing inuungkat 'yon lalo na ngayong bumalik kami rito. Madalas niya ako kung asarin at ngayon nagpakawala na naman ito ng malakas na tawa. Nakakainis talaga.

Kung hindi lang ako ang pinaglilihian nito, hindi ako magtitiis ng ganito. Pasalamat talaga siya at buntis siya e.

"Siguraduhin mo ha, baka masaktan ako," sunod na namang hirit nito na tuluyang nakapagpairap sa akin. Bakit naman kasi sa lahat ng paglilihian nito ay 'yong mukha ko pang naaasar?

"Psh, tumahimik ka na nga, 'wag dito." Nagpipigil kong saway rito. Mahirap na, baka bigla na lang ako iwan nito.

I'm with ate Arlo, she is lola's secretary for almost five years na rin. Ito ang naging close ko bukod kay Raiza magmula noong mag-migrate ako sa ibang bansa.

Limang taon lang ang tanda nito sa akin kaya parang ate ko lang din ito at parang apo na rin siya ni lola. Minsan nga mas mukha pa silang mag-lola kaysa sa amin. Silang dalawa pa kasi ang magkasundo madalas at pinagtutulungan pa akong sermunan.

Speaking of sermon, maselan kasi ang pagdadalang tao nito kaya kanina pa ako hindi mapakali. Naka-maternity leave na kasi dapat talaga ito, ang kaso lang ayaw nitong maiwang mag-isa bahay nila. Ang sabi ni kuya Jay, asawa nito, madalas daw itong umiiyak dahil wala raw itong magawa sa bahay nila. Pakiramdam daw nito ay pabigat siya.

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon