04 - Penthouse

45.3K 1.2K 2.6K
                                        

04 - Penthouse

Kaetherine's POV:

Pinikit-pikit ko pa ng ilang beses ang mga mata ko para masiguradong si Ms. Griyego talaga ang nakikita ko't hindi ako namamalikmata.

"M-Ma'am? Kayo po pala." Nang masigurado kong ito nga talaga ang nakikita ko ay agad akong napatayo ng tuwid at iniayos ang itsura ko.

"Ano pong ginagawa niyo rito?"

"Is it right to answer my question with another question? I asked first, right?" Masungit na sabi nito at nirolyohan pa ako ng mata. Kahit na kailan napakasungit talaga. Nasa menopausal stage na yata ang babaeng 'to e.

"A-Ano po. Naghahanap po kasi akong apartment kaya nandito po ako." Sagot ko na lang at hindi na siya pinatulan at baka 'di ko na talaga siya matantsa.

"You? An apartment? Why? Don't you have a house? I guess you have, right?" Sunod-sunod na tanong nito habang nakakunot-noo pa.

"Mayro'n naman po pero k-kasi ano po—" Napakagat ako ng labi dahil sa hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko. Wala akong madahilan.

Dapat ba sabihin ko pa? Para naman kasing nakakahiya kung sasabihin ko na naglayas ako sa 'min. Baka pauwiin pa ako nito e. Ang hilig pa naman nitong pauwiin ako.

"Something personal I guess." Kibit balikat nitong sabi sabay lakad nito papasok sa loob at nilagpasan ako.

Sinundan ko naman ito ng tingin at sakto namang nagsalita ulit ito, "come with me then."

"Po?" Pagkumpirma ko dahil para akong nabingi sa sinabi nito at sinundan lang ito ng tingin hanggang makapasok na ito sa loob.

Bakit siya pumapasok doon? Wala rin ba siyang bahay?

Napatuwid naman ako ng tayo nang lingunin ako nito't bigyan nang malamig na titig. Rather, I say she's giving me a what-are-you-still-doing-there look.

Nagtataka man sumunod na lang din ako pero nanatili ako sa likod nito. Nakakahiya kasi itong sabayan lalo na't not in good terms kami at sabihin na nating masyado siyang maganda para tabihan ko at nanliliit ako ngayon sa ayos ko.

"I have my unit here. Just to answer your question." Maikling sabi nito kaya napatingin ako rito. So, wala nga rin siyang bahay?

Papasok na kami ng elevator nang mapagtanto ko kung saan kami papunta. Kaya agad akong napahinto.

"What is it now, Ms. Ortega?" She asked irritatedly as she turned her gaze at me.

"A-Ano po kasi. Nagmamadali po ako, ma'am. Mauuna na po ako. Salamat na lang po sa pag-imbita—"

Aalis na sana ako nang hawakan naman nito sa braso dahilan para hindi ako makaalis. "Who told you you can go?"

Natigilan naman ako sa tinuran nito at binigyan siya ng nagtatanong na mga tingin na kinataas naman ng kilay niya.

"What? It's dark outside. If you want to find an apartment, continue that tomorrow. I won't stop you. J-Just..."

Napahinto naman ito nang mabalin ang tingin niya sa kamay niyang nakahawak pa rin sa braso ko at tila napapasong binitawan. Napatuwid pa ito ng tayo at umiwas ng tingin bago ituloy ang sinasabi. Anong nangyari na naman kaya sa kanya?

"...stay for tonight." Mahina nitong saad pero malinaw na malinaw sa pandinig ko ang sinabi nito at kung paanong ang boses nito ay mistulang nawala ang pagkalamig.

Natulala ako dahil doon. Hindi ko 'yon inaasahan mula sa kanya. Napahawak pa ako sa pisngi ko sa bigla nitong pag-iinit.

Nabalik naman ako wisyo nang nag-swipe na ito ng card sa elevator at ipinindot ang number fifteen which is the fifth floor.

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon