21 - Green-eyed

52.8K 1.6K 6.3K
                                        

21 - Green-eyed

IMPORTANT NOTE!

I would like to make a formal announcement about sa spoilers and comparison of characters and stories since last night, may super alarming comments akong nakita about do'n.

To make things clear, both have points. I think yung isa nasabi niya lang naman 'yon not mainly for being offended na tinawag na red flag yung character but because of comparison na ginagawa nung iba. However, may punto rin naman yung isa, it also spoils the moment of those new readers. So let's just settle this once and for all, just stop the comparison and in the same way, let the others figure things out.

And to make this whole author's note short, all I wanted to say was let's not be each other's reason why someone wanted to stop writing or reading and y'all know what I am talking about. It's not that hard to be kind and know that it's much harder to forget things when it stings.

Kaetherine's POV:

"Sa wakas 'te, nakasama ka rin namin!" Nag-uumapaw ang sayang sabi ni Andrea na sinundan ng pag-iingay ng buong barkada.

Kasalukuyan kaming nasa mall ngayon dahil nagkayayaan kaninang umalis. Pagkatapos naming dumaan kanina sa NBS, mag-karaoke hub at magliwaliw sa Timezone, napagkasunduan naming kumain na muna sa isang fast food chain bago umuwi.

"Uy, nakakasama niyo naman ako tuwing umaga at uwian ah," sagot ko.

Nitong nakaraan kasi nagsimula na ang work immersion namin at hindi ako nakakasama sa kanila tuwing break time at lunch break. Sa aming magbabarkada kasi ako ang napalayo ng department na napuntahan.

Sa College of Science building kasi ako na-assign habang ang karamihan sa amin ay kundi malapit lang sa Senior High School building, mismong doon lang din sila sa building namin.

Hindi ako makasabay dahil halos ten minutes ang lakaran papunta sa SHS building kapag galing ng CS. Lugi naman kung 'yong twenty minutes ng thirty minutes break time ko pati na rin 'yong one hour lunch break ko ay ilalakad ko pa.

"Eh, 'te sino namang kasama mo tuwing break time at lunch?" Tanong ni Hazelle na walang kamalay-malay pa sa mga pinag-aaasar sa 'kin ng barkada tungkol doon. Absent kasi ito ng ilang araw dahil nagkasakit ito at ngayon pa lang ang first day niya sa work immersion.

"Sino pa ba edi si—"

"Hoy, Thalia! Manahimik ka ha! Ang iissue niyo! Sabi na ngang hindi!" Saway ko agad dahil 'pag natuloy niya lang 'yon, sure win ng tampulan na naman ako ng tukso.

"E kasi naman ate girl panay ang kwento mo sa kanya," biglang singit ni Margot. Natahimik naman ako dahil totoo naman 'yon pero kahit na. Porke panay kwento ko lang gano'n na ba agad?

"Ipu-push niyo talaga e 'no? Saka malamang, siya lang naman kasi ang nakakasama ko."

"Suuus. Eh no'ng sabi nga naming kami ang pupunta sa 'yo, ayaw mo rin," gatong naman ni Charlotte na unti-unting ikinangisi ng barkada. Doon pinamulahan tuloy ako sa hiya.

"E ang dami-dami niyo kasi! Like girl, hello? Kayong lahat pupuntahan ako para lang makasabay ako. Iba't iba pa tayo ng assigned building! Ang layo-layo ko kaya! Saka nakakahiya 'no!" Mariin kong depensa.

"Dami mo pang dahilan, aminin mo na kasi crush mo si Ms. Harriette!" Pagkabanggit no'n ni Margot ay nagsipagngisian na silang lahat at tuluyan akong inasar.

"Ayieeeee."

"Iba ka na, Kaeth."

"Mga gusto mo ha."

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon