22 - Outburst
Kaetherine's POV:
For the eighth time today, Ms. Rielle's phone rang again kaya napukaw ang atensyon naming lahat. Nasa Filling Station na kami ngayon at kasalukuyang namimili ng pagkain. Magkatabi kami ni Ms. Harriette habang sina Ms. Rielle at Ms. Dianna naman ang magkatabi sa kabilang side.
Kasabay ng paghawak ni Ms. Rielle sa telepono niya ay kapwa umalerto ang dalawa naming kasama. Si Ms. Dianna ay pasimpleng nakiusyoso agad sa phone nito habang si Ms. Harriette naman ay napabuntong-hininga sa tabi ko.
Ako naman ay yumuko na lang at inabala ang sarili sa menu na hawak-hawak. Nagkunwaring natatanging tao sa amin na hindi napukaw ang interes sa kanina pang tumutunog na telepono nito na paulit-ulit lang din niya na pinapatay at sa pangwalong pagkakataon gano'n nga ulit ang nangyari.
Nakapagtataka lang na hindi nito sinasagot iyon. Halata naman kasing si Nurse Clara ang kanina pa tumatawag. Dahil simula kanina sa LRT hanggang sa pagbaba at paglalakad namin papunta rito panay na ang ring ng phone niya.
"Bakit hindi mo pa sagutin? Kanina pa 'yan tumatawag ah?" tanong ni Ms. Dianna. Doon bago pa man ni Ms. Rielle masagot ito sinadya ko ng lumingon kay Ms. Harriette para mabalin sa iba ang atensyon ko.
"I'm spending time with you, guys—"
"Ma'am, may order ka na?"
Sabay tuloy naming sabi. Ang kaibahan lang ako kausap ko si Ms. Harriette habang siya naman ay kausap si Ms. Dianna.
Napansin ko namang natigilan ito sa pagsasalita at napatitig bigla sa akin. Bahagya tuloy akong kinabahan. Unti-unti namang napabalin si Ms. Harriette sa gawi ko. Nakatuon kasi ang atensyon nito kay Ms. Rielle.
"Hmm?" pagkukumpirma ni Ms. Harriette.
"Uhm, wala po kasi akong mapili. Ano po bang masarap dito pero mura lang?" tanong ko. Sinubukan kong ibulong 'yon kaso mukhang malakas pa rin ang pagkakasabi ko.
Saglit naman itong napaisip at napatawa pa bago bahagyang lumapit sa akin kaya nagkadikit kami nito. Akmang sisilipin na nito ang menu na hawak ko nang bigla namang may humarang sa pagitan namin.
"I'm done," biglang anunsyo ni Ms. Rielle sa napakabilis na paraan. Gulat naman kaming napatingin ni Ms. Harriette sa kanya.
Bukod kasi sa akin, si Ms. Rielle ang isa pang may hawak ng menu na siyang hindi ko o namin alam kung inaabot niya ba 'yon o hinaharang sa aming dalawa ni Ms. Harriette ngayon.
Mula naman sa ganoong posisyon ay bigla muling nag-ring ang telepono nito na nakapatong lang sa lamesa. Dahilan para maunahan ni Ms. Dianna itong damputin bago pa man ni Ms. Rielle makuha iyon at salubong ang kilay na sinagot ang tawag.
Saka mukhang papatayin lang din naman ulit niya ang tawag, mas maganda ng sagutin ni Ms. Dianna para matigil na ng katatawag ang ex niya.
"Hoy, Clara! Ano ba? Kasama namin si Rielle, ang kulit mo! Tawag ka nang tawag! E hindi ka pa naman binabalikan! At sana nga hindi na talaga! Ano bang kailangan mo at hindi ka mapakali? Importante ka ba? Este importante ba 'yan?!"
No'ng una napatanga kaming lahat sa biglang pag-aalburoto ni Ms. Dianna. Pero kalaunan kapwa kami napabulaslas ng tawa ni Ms. Harriette dahil sa huli nitong sinabi habang nagsalubong naman ang kilay ni Ms. Rielle.
"Oh eh ano nga? Siguraduhin mong importante 'yan dahil hindi pa ako nakakapili ng pagkain ko!"
Pagkasabi na pagkasabi ni Ms. Dianna no'n nagkatinginan ulit kami ni Ms. Harriette at lalong napabulaslas ng tawa. Kaya pala. Kaya pala sobrang init ng ulo niya.

BINABASA MO ANG
She's Into Her
Roman d'amourTFOL SERIES 1 Kaetherine is an obscure student who merely wants to pursue her passion for composing poems. As she gradually grew enthusiastic about discovering her deep-seated gift, she also found herself never-not involved in her professor's life...