03 - Depart

49.8K 1.3K 698
                                        

03 - Depart

Kaetherine's POV:

"Problema no'n?" Nagtatakang tanong ni Ms. Dianna sa akin at nagkibit-balikat naman ako. Malay ko rin ba kasi. Naiiling na lang kaming tinuloy ang pagkain namin.

Doon ay marami kaming napagkwentuhan. Napag-usapan namin ang tungkol sa mga trainings na unang gaganapin mamaya sa library at parehas pa kaming excited. First time kasi nitong mag-training ng isasali sa contest habang ako naman first time kong sumali sa ganito.

"So, see you later, Kaethyyy." Paalam nito nang matapos kami. Ginawaran ko na lang ito ng ngiti bago kami tuluyang maghiwalay.

Close na kami ni Ms. Dianna simula pa noong maging homeroom teacher ko siya no'ng junior high. Simula kasi nang malaman nito na ulila na ako sa magulang, tumayo na rin itong nanay-nanayan ko. Kaya gano'n na lang din ang pagka-close naming dalawa. Ayun nga lang minsan mas isip bata pa ito sa akin at napakadaldal.

Naging madalang lang kaming magkita nang tumungtong na ako ng Senior High. Nasa kabilang campus kasi dati ang tinuturuan nito which is Junior High. At this year lang napalitan ang handle nito. Kaya ko rin ito nabunggo no'ng nakaraan.

Lakad lang ako nang lakad kung saan-saan para magpalipas ng oras nang matisod na naman ako kahit patag naman ang daan at nakabunggo na naman ng tao. Lagi na lang.

Agad ko naman itong tinulungang pulutin ang mga nagkalat na papel. Mukhang hindi rin ako nito nakita dahil sa dami ng dala-dala nito. Pagkaangat ko ng tingin para sana humingi ng tawad ay natigilan naman ako ng makilala ko ito.

"Ms. Clara?" Tawag ko rito. Napaangat naman ang ulo nito at doon lang ako nito namukhaan. "Ano pong—"

"Ginagawa ko rito?" Pagputol niya sa akin at ngumiti. "As you can see, I'm wearing a nurse uniform." Sabay pakita nito ng kabuuan niya.

"Hala, nurse ka po rito?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Hindi ko kasi siya nakikita e.

"Yup." Sagot nito sa akin. Kaya pala magkasama sila ni Ms. Griyego no'ng nakaraan at kaya rin siguro pumunta kanina ng clinic si ma'am.

"Ah, sorry po hindi ko alam e. Hindi pa po kasi ako nagawi sa clinic simula no'ng tumungtong ako sa Senior High." Paliwanag ko.

"Edi maganda. Ibig sabihin no'n healthy ka, 'di ba?" Nakangiting sabi nito. May point naman siya. Kaya napangiti na rin ako sa sinabi niya at tumango.

"Sige po. Una na po ako. Sorry po ulit ha." Paalam ko rito matapos naming mapulot ang lahat ng papel. Tumango lang ito at humiwalay na rin.

Napili kong magpunta na lang sa library at dito na lang maghintay dahil malapit na rin namang mag-alas kwatro at magsisidatingan na rin sila. Habang naghihintay natagpuan ko na lang ang sariling nagsusulat sa mga pahina ng scratch notebook ko.

the silence of the night

the moon that shines so bright

when she hugs that pillow so tight

something wasn't right

cause under that moon the tears

were about to escape soon wet pillows

her sobers that it follows

"You are really good huh." Saktong pagtapos kong magsulat nanigas naman ako sa pwesto ko nang marinig ang malamig na boses na 'yon. Tumama ang mainit nitong hininga sa bandang leeg ko dahilan para matuod ako nang tuluyan sa pwesto ko.

She's Into HerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon