15 - Retreat

44.4K 1.3K 1.4K
                                    

15 - Retreat

Kaetherine's POV:

Mas maaga pa sa sikat ng araw nang magising ako. Sa kabila ng kadramahan sa nagdaang dalawang araw, hindi ko naman mapigilan ngayong magtatalon sa tuwa. 

Retreat kasi namin ngayon at tipikal na pakiramdam ng isang estudyante, excited ako syempre. Lalo pa't bukod sa kasama namin si Ms. Rielle, bilang siya ang adviser namin, for two days and one night din kasi kami ro'n tapos idagdag pa ang ideyang wala munang Nurse Clara.

Matapos kasi ang tagpo naming 'yon malapit sa opisina ni Ms. Rielle, na siyang dahilan din ng dalawang araw na pagdadrama ko, walang palya na itong umaaligid dito o minsan pa nga ay sa akin din. Kinukumbinse kasi ako nitong tulungan siya kay ma'am. Aba, syempre hindi naman ako masokista para pumayag. 

Ang kaso syempre hindi naman 'yon mahahadlangan ng pagpupursigi nitong kuhanin ulit ang loob ni Ms. Rielle. Kaya ayun madalas ko tuloy makita ang pangungulit nito kay Ms. Rielle at hindi niya na tinigilan si ma'am, bruha siya. 

Bilang si Ms. Rielle pa ay si Ms. Rielle, kahit pa nagpapakipot naman siya, mas lamang pa rin talaga ang marupok moments niya. Nakaka-bitter tuloy.

Sa isiping iyon, namalayan ko na lang na halos lamutakin ko na pala ang unan ko at bago pa man ito tuluyang masira, mabilis ko ng pinalis ang ideyang 'yon at inisip na lang ang mangyayari sa buong retreat.

Doon agad namang napalitan ang inis na nararamdaman ko ng pagkasigla at binilisan ko ng mag-ayos ng sarili. Nang matapos ay binitbit ko na ang duffle bag ko patungo sa pinto. 

Pagkagulat ang kapwa rumehistro sa mukha namin ni Ms. Rielle nang mabuksan ko ang pinto. Ako dahil hindi ko inaasahang makita ito sa labas ng kwarto habang ito naman ay mukhang hindi nito inaasahan ang biglang pagbubukas ko ng pinto at tila nabato pa ito sa pwesto niya. Akma kasi yatang kakatukin ako nito pero naunahan ko ito.

Napatikhim ako ng balutin kami ulit ng nakakailang na katahimikan matapos naming makabawi sa pagkagulat. Umiwas ito ng tingin habang ako naman ay namroblema kung paano na naman lalampasan ang ilangan sa pagitan namin.

Simula noon ngang nasa seaside kasi kami ay dumalas na ang ganitong tensyon sa pagitan namin at dahil hindi ko ito matagalan ay ako na ang bumasag ng katahimikan.

"Uhm... good morning po?" Bati ko rito nang alanganin at nagpakawala nang mahihinang tawa para maibsan ang ilangan sa pagitan namin. Pero sa huli, wala rin akong nakuhang sagot dito at lalo lang humirap para sa akin ang bawat sandali.

Kung titignan pa ito ngayon parang may debate sa isip niya. Tila pinapagalitan nito ang sarili dahil sa binalak nitong pagkatok sa akin kanina pero naudlot dahil nauna akong magbukas ng pinto at naabutan ko siya sa ganoong ayos. Pakiwari ko ay mukhang ayaw nito ang nangyaring iyon.

Tuloy hindi ko na naman mapigilan ang sariling mapangiti gayundin ang papurihan ito. You are really amusing me with your childish acts, Ms. Rielle.

"G-Good morning to you too," napaangat ako kaagad ng tingin dito nang marinig ang mahinang pagbati nito pabalik saka ako nito unti-unting tinapunan ng tingin na tila ba nahihiya pa. 

Sa pangalawang beses, lihim na gumuhit muli ang ngiti sa labi ko. Hindi ko kasi inaasahang babatiin pa ako nito pabalik o kahit ang pagsalubong nito sa mga mata ko. 

Magdidiwang pa lang sana ang kalooban ko, ang kaso ay napansin ko naman kung paano ito tila unti-unting ninerbyos at mabilis akong tinalikuran. Nataranta naman ako sa ginawa nito at wala sa sariling hinuli agad ang kanang palapulsuhan nito.

"Ms. Rielle, saglit!" Pigil ko rito at hindi namalayang napalakas ang paghila ko dahilan para mapaharap ito sa akin. 

Rumehistro naman ang pagkagulat sa maamo nitong mukha. Kung kanina hindi pa masyadong halata ang pagkapula ng pisngi nito, ngayon ay maihahalintulad ko na ito sa kulay ng mga labi nito ngayon.

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon