25 - Pondering
Kaetherine's POV:
Matapos ang bara-bara kong pagsagot sa madugong exam ni Ms. Rielle napahalumbaba't napabuntong-hininga na lang ako. Sa wakas nairaos ko rin ang hell week. Last day kasi ng midterms namin ngayon at pinakahuli naming tinake ang subject niya.
Pakiramdam ko lumulutang sa alapaap 'yong utak ko kanina dahil puro mga essay at reading comprehension passages ang nasa exam. Bagay na karamihan din sa amin ay ayaw 'yon dahil pinaghalong literature at history ang subject niyang 21st Century Lit.
Kapag nga nagpapagawa ito ng mga activities halos lahat awtomatikong nayayamot. Masakit kasi siya sa ulong magpa-activity. Tipong tuwing magsusulat ito sa board ng new activity, lahat yata nagdidilim ang paningin sa unahan kahit na whiteboard naman ang pisara namin.
Lumipas ang ilang minuto, natagpuan ko na lang ang sariling nabuburyo na. One hour and thirty minutes kasi ang allotted time sa exam at may twenty minutes pa akong natira.
Nilibot ko na lang ang paningin at nahinto ang mga mata ko sa teacher's table.
Tulad ng inaasahan seryoso lang itong nagbabantay sa klase. Walang emosyong mababakas mula rito habang magkakrus ang mga braso nito't pinananatili ang nakaka-intimidate niyang awra.
Tumagal ang pagtitig ko rito dahil medyo naninibago kasi ako sa ayos nito. Bahagya kasing umikli ang buhok nitong dati lagpas dibdib niya ang haba. Doon bigla namang may pumasok sa isip ko.
Mukhang nagpagupit siya tapos kagagaling niya sa break up ibig bang sabihin no'n nag-momove on na siya? Kasi 'di ba gano'n daw 'yon? The very pop-culture norm—new hair, new me.
Bahagya akong napatawa sa ideya kong 'yon, at nasa gano'ng pag-iisip ako nang umangat ang tingin nito sa akin at nahuli ako nitong nakatingin sa kanya.
Awtomatikong nahinto ako sa paghinga habang nakita ko namang natigilan ito.
Tumagal ng ilang segundo ang titigan namin at doon unti-unting sumibol ang pamilyar na kaba sa dibdib ko bago kami nito makabawi at nag-iwasan ng tingin.
Doon mabilis kong binalingan agad ang test papers ko at nagkunwaring nagsasagot pa saka pilit iwinaglit sa isipan ang ideya sa isip kong simula no'ng Lunes ko pa iniiwasang isipin pero naging dahilan lang iyon para isipin ko pa lalo ang bagay na 'yon.
Flashback
"Kaeth, papakuluan ko na 'yang katawan mo para lumambot. Isa pa!" Iritadong saway sa akin ni Andrea mula sa harapan.
Kasalukuyan kaming nagpa-practice ng practical exam namin sa PE bago ang performance namin mamaya at simula kanina pa panay tawag na sa 'kin nina Andrea, Margot o 'di naman kaya ni Ginger. Halos hindi raw kasi ako gumagalaw o 'di kaya naman ang tigas daw ng katawan ko.
BINABASA MO ANG
She's Into Her
RomantizmTFOL SERIES 1 Kaetherine is an obscure student who merely wants to pursue her passion for composing poems. As she gradually grew enthusiastic about discovering her deep-seated gift, she also found herself never-not involved in her professor's life...