10 - Purloin

34.8K 1.1K 3.1K
                                    

10 - Purloin

Kaetherine's POV:

Kasalukuyan kaming bumabyahe ngayon pabalik sa university. Katulad kahapon si Ms. Dianna pa rin ang nag-ddrive at ako ang nasa tabi nito. Nasa likod naman ang tatlo, ang pinagkaiba lang ay nasa gitna si Kelly at nasa magkabilang dulo naman sina Ms. Rielle at Nurse Clara.

Tahimik lang ang byahe dahil siguro ay pare-parehas kaming pagod at sa pagkakaalam ko late na rin natulog ang apat na 'to. Pagkatapos kasi ng nangyari kagabi agad na rin akong pumasok sa unit nila at kinuha ang dapat kong kuhanin. Buti na lang hindi na rin ito sumunod pero wala rin naman kasing dahilan para sundan niya ako.

Medyo may katagalan ang byahe dahil nga traffic at maulan din. Napabuntong-hininga na lang ako dahil nakikisabay pa kasi talaga ang panahon ngayon sa pighating nararamdaman ko. 

Kalaunan, nang makabwelo naman na nang maayos ang kotse ay isa-isa na rin kaming bumaba at ngayon ko lang din napagtantong tumutuloy nga pala ako kay Ms. Rielle.

Nauna si Kelly na magpaalam dahil dumating na raw ang sundo nito. Si Ms. Dianna naman ay nagpaalam na may kukunin pa raw sa loob ng university at ako hindi ko malaman kung tutuloy ako sa penthouse ni Ms. Rielle o sa mga kaibigan ko muna ako. And I am choosing the latter part.

Nagsimula kong akayin lahat ng bitbit ko na hindi naman masyadong marami kasi backpack at ang naka-plastic ko lang naman na mga damit ang bitbit ko. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay may narinig na akong sigawan kaya natigil ako sa paglalakad.

I know too well that voices... hindi ako pwedeng magkamali.

"Fck Sheena, stop it already!" Sigaw ni Nurse Clara.

Sheena? Sino si Sheena?

Napalingon naman ako kung saan ang pinanggagalingan ng mga boses. Agad namang nanlaki ang mata ko nang makita ko si Ms. Rielle na sinasabunutan no'ng sa palagay ko ay si Sheena. Fdge. Fdge. Choco fdge talaga.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng init ng ulo. Walang pagdadalawang-isip kong hinagis ang mga dala-dala ko sa kung saan at mabilis pa sa alas-kwatrong pinuntahan ang kinaroroonan nila. Hindi ko na rin inintindi kung ano na naman ang iisipin nila.

Awtomatikong nahigit ko 'yong Sheena papalayo kay Ms. Rielle dahilan para matigilan ito at ako na ang samaan ng tingin. Nasaan ba kasi 'yong mga guard?

"Please lang, Miss. Huwag kang manggulo rito kung ayaw mong tawagin ko pa 'yong mga gwardya." Mariing saad ko rito habang hawak-hawak ito nang mahigpit. Nanggigil ako. Anong karapatan niyang saktan si Ms. Rielle?!

"Excuse me? Guards? Bakit alam mo ba ang atraso sa 'kin ng babaeng 'yan?!" Sigaw nito na ikinawala yata ng tutuli ko sa tenga.

Huminga muna ako nang malalim at saka eto deretso tinignan sa mata. "Wala po akong pakialam sa away ninyo. Ang akin lang po, huwag po kayong manggulo rito." 

Nagpipigil kong saad habang ingat na ingat sa mga binibitawan kong mga salita dahil ayaw ko namang madagdagan pa ang atraso ko kay Ms. Rielle.

Inis nitong iwinaglit ang pagkakahawak ko sa braso niya at sinamaan ako ng tingin. "And who are you to tell me those? At ang kapal ng mukha mong higitin ako!" Sigaw nito at akmang sasampalin na ako kaya napapikit na lang ako't hinintay na dumapo ang magaspang nitong palad sa mukha ko.

"Lay a finger on my student and I swear to God, Sheena. You. are. so. dead."

Napadilat naman ako at napaangat ang tingin nang marinig ang pamilyar na lamig ng boses nito. Napalunok tuloy ako nang 'di oras.

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon