16 - Edelweiss

47.9K 1.2K 1.1K
                                    

16 - Edelweiss

Kaetherine's POV:

Alas syete pasado na ng umaga ng makarating kami sa retreat house. Sa tagal ng byahe ay nakaramdam na ako ng pagkahilo. Idagdag pang puro lubak ang nadaanan namin kaya tila nanghihina ako ngayon.

Hindi na kasi patag ang lupa sa venue ng retreat na napili ng university. Ang destinasyon nito'y puro pabundok na ang lupain.

Mabuti na nga lang at sariwa ang hangin at kulay luntian ang paligid. Doon kahit papaano ay nawala ang sama ng pakiramdam ko.

Nang huminto kami sa tapat ng maindoor ng retreat house ay isinandal ko muna ang sarili sa posteng malapit.

Doon ay ipinikit ko muna ang mga mata habang nakikinig sa facilitator namin. Kasalukuyan kasi kami nitong binibigyan ng paunang instructions sa loob ng retreat house mamaya.

"Pssst..." Dinig kong sitsit ni Andrea sabay tapik nito sa braso ko. Binuksan ko naman agad ang mga mata ko at nakita ang nag-aalalang mukha nito.

"Nahihilo ka pa ba? Gusto mo pa ng white flower?" Alok nito at akmang kukunin na ang white flower sa karga niya nang mabilis ko itong pinigilan.

"Hindi na. Gutom lang 'to. May merienda naman pagpasok mamaya saka papasok na raw ba sa loob?"

"Ah, hindi. Pumila raw muna tayo tapos ilapag sa tabi natin 'yong mga bag na dala natin. Magkakapkap daw kasi sila Miss. 'Di ba bawal gadgets?" Sagot nito.

Napatango-tango naman ako sa sinabi nito nang maalala iyon at doon ay sumunod na kaming pumila. Kinumbinse ko pa itong sa dulo na kami ng pila para makasandal ako sa pader dahil hanggang ngayon ay nahihilo pa rin ako.

Mayamaya pa ay narinig ko naman itong may ibinulong.

"Alam mo dapat yata nagpauna na lang tayo sa pila. Ang sabi pala kasi kanina pagkatapos kapkapan ay deretso raw muna ng kwarto e, hindi session hall."

Inangatan ko naman ito ng tingin at kunot-noong tinignan. "Deretso ng kwarto? E 'di ba madalas deretso tayo sa session hall?"

Simula high school kasi gano'n na ang nakagawian kaya nakakapanibagong deretso kami ngayon sa kwarto.

"Ewan ko. 'Yon ang sabi kanina e. Edi sana nakapagpahinga ka pa nang maayos. Inuna pa man din 'yong boys." Punto nito at sabay kaming napalingon sa gawi ng mga 'to.

Patapos pa lang mag-inspect sina Ms. Rielle at Bro. Borromeo sa mga boys. At kada may matatapos pa sa kanila ay 'di pwedeng 'di magpapaalam kay Ms. Rielle kaya nagtatagal.

Halos kalahati sa kanila ay gano'n ang ginawa. Tuloy ay 'di ko maiwasang mapairap. Mga malalandi.

Nakarinig naman ako ng hagikgik sa tabi ko.

"Alam mo kung nagkaka-isang libo lang ako kada makikita kitang nagseselos, ngayong araw pa lang makakailang libo na ako." Ani ni Andrea sabay tawa.

"Pero sa bagay hindi naman kita masisisi dahil kanina pa nagpapansin ang mga tukmol nating kaklase sa kanya. Mabuti na nga lang at hindi sila umuubra kay ma'am."

"Talagang walang uubra e puro ba naman siya Clara." Labas sa ilong kong sabi. Doon ay tila nasamid naman ito ng sarili niyang laway habang pinipigilan ang pagtawa.

"Omg, bestie! Why you're so honest today?" Maharot pa nitong saad.

Nang matapos siya ay muli itong tumikhim. "Pero ang ganda naman kasi talaga ng adviser natin kaya hindi ko rin sila masisisi. Lalo pa sa ayos niya ngayon at mukhang nasa good mood pa." Dugtong nito sabay bungisngis na para bang inaasar lalo ako.

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon