CHAPTER 4- Meet Him Again

1.6K 80 27
                                    

Mazel

Naglalakad na ako papasok sa loob ng school. Hahanapin ko na ngayon ang building nang high school, mahirap kasi dahil sobrang laki nitong school dahil kasama na ang college dito. Napatigil naman ako sa paglalakad dahil napansin ko ang mga nagkakagulong mga studyante sa 'di kalayuan.

Anong mayroon?

Naitanong ko sa isipan ko at hahayaan ko na lang sana dahil hindi naman ako nagpunta dito para makipag-chismisan lang. Balak ko na sanang huwag na pansinin ang tagpo na 'yon nang mapalingon ako muli dahil mas lalong lumakas ang hiyawan nila.

Na-curious na akong malaman kung anong meron kaya lumapit ako sa kanila hanggang sa luminaw sa pandinig ko ang mga hiyawan nila.

"Iiyak na 'yan!"

"Iiyak na 'yan!"

Paulit-ulit na sigaw ng mga studyante na nakapalibot, pinilit kong makasilip at sumiksik sa kabila nang napakaraming mga studyante. Shock ako sa nakita ko dahil may ilang kalalakihan sa may gitna. Ang dalawang lalaki hawak ang isang pang lalaki na nakayuko hindi ko gaano makita ang mukha nito dahil natatakpan siya ng lalaki na nakatalikod na matangkad.

Nakaramdam ako ng galit dahil napansin ko ang mga buhok na nagkalat sa semento. Kahit hindi ko nakita ang nangyari alam ko na ang ginawa nila.

Mga bully!

Sigaw ng isip ko bakit sila gano'n? Pinagkakatuwaan pa nila ang isang lalaki na walang kalaban-laban sa kanila? Mas malala pala ang mg bully dito sa mga mayayaman.

"Huwag kang umiyak dahil kapag nakita nila 'yan mas lalo lang sila matutuwa," malakas ang pagkakasabi ko kaya natahimik at napalingon ang lahat sa akin tanging ang lalaki na nakaharap sa binubully ang bumasag sa katahimikan.

"F*ck?" Asik niya.

Nahawi naman ang kumpulan at nag-atrasan naman ang ibang studyante natakot siguro. Pero ako hindi umalis sa kinatatayuan ko nandito lang ako at hindi ako gumagalaw.

Tuwid ang tingin ko dito mismo sa lalaki na kahit nakaharang sa harapan niya 'yung lalaki na binully niya e, kitang-kita ko skya dahil sa matangkad ito. Hindi ko alam kung bakit pero bigla tumibok ang puso dahil sa pagtatama ng mga mata namin. Titig na titig ako sa mga mata niya na parang nakita ko na noon ang mga mata na 'yon.

Pero kinabahan ako sa klase ng tingin niya dahil pakiramdam ko ura mismo babalatan na niya ako ng buhay.

"Who are you?" Diretsong tanong niya walang makikitang emosyon.

Hindi ko maintindihan pero parang biglang umurong ang dila ko. Parang nakita ko na ang mga mata na 'yan dati hindi ko lang matandaan kung saan.

"I know since, gwapo na ako kaya hindi ka makapagsalita. Pero ang tapang mo." Nakangisi niyang sabi at lumakad nang ilang hakbang.

Bigla naman akong nakaramdam ng inis dahil sa mayabang na asta niya. Nawala na rin sa isip ko 'yung kanina ko pa na iniisip.

"Ang yabang mo!" Inis na turan ko na kinakunot ng noo niya. Walang kasing sama ang ginawa mo!" Malakas ang loob na sabi ko at nawala na isip ko na ngayon pa lang ako nakapasok dito sa school.

Napapangiti naman ang mga kasama niyang mga lalaki at hindi ko alam kung bakit.

"I know, seventeen years ko ng alam 'yan. Hindi mo na kailangang ipaalala pa," mayabang na sagot niya.

Sinimangutan ko siya at napansin ko na may lumapit na babae sa kaniya at may binulong ito ewan kung ano 'yon. Nakarinig ako nang kan'ya-kaniyang bulungan.

"Pakialamera kasi 'yan humanda ka 'kay, Duncan Patterson namin!" Sigaw ng mga babae.

"Oo nga, masiyadong pabida e, looser naman," sabi pa ng isa.

My Childhood Sweet Heart (A Gangster Love Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now