CHAPTER 27

1.1K 45 0
                                    

AN: Konti na lang po at matatapos ko na siya, nagsusulat ako habang nagkakape dahil ito ang lakas ko.

=========================================

DUNCAN

Hindi ako makapaniwala sa aking nalaman dahil pagkatapos ng magandang pakikisama ko sa kanya. Siya pala ang ta-traydor sa'kin. Naikuyom ko ng sobrang higpit ang aking kamao.

"Ano DC? Nadismaya ka ba? Ang isa sa matalik mong kaibigan ay matindi mo pa lang kalaban?" ngising salita ni Pong.

"Ang dami mong kuwento simulan na natin 'to ng matapos na." pigil ang galit ko habang matalim na nakatingin kay, Vincent.

"Madali lang naman ang gagawin mo DC, tatayo ka lang diyan at na-namnamin mo ang lahat ng sarap. At kung iniisip mong lumaban huwag mo ng gawin dahil isang tawag ko lang tiyak pagpipiyestahan ng mga ka-grupo ko ang katawan ng mahal mo," natatawang wika nito at sinabayan nya ng tawang pang-demonyo.

"Pero bago ang lahat pirmahan mo muna ito," sabay hagis niya ng  ballpen at papel na naka-rolyo.

"Anong palagay mo sa akin tanga? Bakit ako pipirma diyan?" sagot ko agad.

"Tangina mo pirmahan mo na! Namatay ang papa ko dahil sa'yo at diyan sa putang-inang kayamanan na 'yan na nasa pangalan mo pa!" nangigil na salita nito.

Napaisip ako bigla at saka ko naalala si Mr. Trinidad na pinatay ko na pumatay sa papa ko na matalik rin niyang kaibigan. Ngayon anak pala niya ang baliw na 'to.

"Tssk! Pareho lang kayong mahina ng tatay mo. Mag-ama nga talaga kayo. At kahit patayin mo ako ngayon hindi mo makukuha ang gusto mo," diretsong sagot at titig sa kanya.

"Hindi ka pipirma kahit may ipagawa ako sa katawan ni, Mazel? Alam mo bang type na type ko siya? Kanina pa nga ako nangigil sa kanya. Gustong-gusto ko ng tikman ang babae na 'yon." nakakalokong wika nito habang inaayos ang neck tie nito.

"Gago! Huwag na huwg mong gagalawin si Mazel! Kung ang pirma ko lang ang kailangan mo sige gagawin ko na!" asar na sagot ko at kinuha ko agad ang papel at ballpen sa sahig.

"Pipirma ka naman pala ang tapang mo pa," tumatawang pang-aasar nito.

Asar na asar talaga ako sa tawa niya gustong-gusto ko na siyang balian ng leeg.

"Simulan mo na, Vincent."

Narinig kong pasigaw na utos niya kay, Vincent. Nakayuko lang ako at nag-hihintay sa gagawin nito. Kung kinakailangang mamatay ako mailigtas ko lang si Kath ibibigay ko. Mahinang usal ko sa isip ko.

Nakita kong dumampot ng kahoy sa gilid si Vincent at bigla niya itong hinampas sa likod ko. Ininda ko lang 'yon hanggang sundan pa niya ito ng tatlong beses na magkakasunod. Ngumisi lang ako kay, Vincent.

"Ano DC? Masarap ba sa pakiramdam na ang gumagawa niyan sa'yo 'ay ang kaibigan mo?"

Tumingin lang ako ng matalim sa kanya.

"Yung matigas+tigas naman ang gamitin mo, matigas 'yang gago na yan!" Muling utos niya kay, Vincent.

Ngayon baseball bat na ang hawak ni Vincent. Muli nya itong hinampas sa kin, tinamaan ako sa noo at sa pisngi. Talsik ang dugo mula sa bibig ko.

Paulit-ulit niya akong hinampas pero ramdam ko na hindi iyon ganon kalakas. Hindi ko alam kung namalikmata ba ako kasi parang may nakita akong expression sa mukha ni Vincent, para syang may senesenyas  gamit ang mata niya.

"Tama na 'yan, tapusin na natin 'to."

Lumapit si Pong sa akin at tiningnan ako ng nakangiti.

"Oh, ito na ang gamitin mo. Siguradong tapos na 'yan ng matapos na rin ang paghihirap niya."

My Childhood Sweet Heart (A Gangster Love Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now